Kabanata 24

70.8K 2.3K 1K
                                    


Kabanata 24

Agad akong tumayo, Lavern looked puzzled while looking at me. Namuo ang luha sa aking mga mata, huminga ako ng malalim at kumurap para maibsan iyon.

I smiled. "Bathroom lang,"

Ngumuso siya at tumango na rin sa huli. Iniwan ko siya roon kasama ang iilang kaibigan. Mabilis ang lakad ko sa taliwas na daan mula kay Reitius, pinili ko ang maglakad sa stone bridge na magtatawid sa akin mula sa green pool.

My knees were shaking, ramdam ko ang panghihina ng aking katawan at para akong mahihimatay dahil doon. Umulit ako sa pagkuha ng sapat na hangin sa baga at inayos ang paglalakad ko.

My mind is haywired, pakiramdam ko'y mababaliw ako sa iba't ibang naiisip ngayon. Kung paano siya napunta rito at kung anong meron at bakit siya narito? The athletes here looks like they're really waiting for him.

Inaasahan na nila ang kanyang pagdating ngayon, kung gayon kilala na siya ng mga ito. Sobrang gulo, sobrang sakit rin ng aking puso. Ang bigat sa pakiramdam, I wanted to run and hug him tight. It feels so good to see him again after a year and half.

Ngunit alam kong hindi dapat iyon gawin, kung tatakbo man ako para yakapin siya ay sa paraang magkapatid kami at walang halong pagmamahal. Siblings love lamang, damn. I can't even fucking say the words.

Nanlaki ang mga mata ko nang matisod ako, napatili pa ako bago mahulog sa tubig. My heart went wild, wala akong maapakan na kahit ano dahil malalim pala ito.

Shit! I can't swim! Hindi ako marunong lumangoy!

Halakhak ng kababaihan ang nadinig ko bago ako malubog sa tubig, kinawag ko ang aking mga kamay at paa para makaahon ngunit wala iyong saysay, nakainom na ako ng tubig at masakit ang aking lalamunan roon.

Hindi ko alam kung paano ako makakaahon mula rito, kahit lumubog na ang ulo ko'y wala pa rin akong tiles o sahig na maapakan. Hindi biro ang lalim nito kung ganoon, my heart is racing in fear.

Pakiramdam ko katapusan ko na ngayon dahil sa pagiging mahina ko sa swimming, kahit mahilig ako sa beach ay hindi ako pumupunta sa malalim dahil hindi ko kaya iyon.

Damn!

My ears and eyes are blurry, hindi ko gaanong madinig ang mga tao. Tanging tunog ng tubig dahil sa pagkawag ko ang aking nadidinig, sinisikap kong kumuha ng hangin bawat mapapaahon ang ulo ko.

"Shit!"

"Oh my God! She can't swim!" nadinig ko ang sigaw ni Lavern sa malayo.

"Zhera!" sigaw ni Clay na humahagos.

Bago pa siya makatakbo sa akin ay naunahan na siya ng isang nagdive sa pool para maisalba ako, gosh! This is embarassing, I can't fucking swim and that's my weakness! Lahat-lahat ay kaya ko except sa pagswimming sa malalim na tubig.

Halos nawalan ako ng malay doon, sa sobrang dami kong nainom na tubig ay hindi pa ako nakahinga ng maayos dahil sa paninikip ng dibdib.

Naramdaman ko na lang ang labing lumapat sa aking bibig para bigyan ako ng hangin. Bumalot ang bulungan sa clubhouse, isang hingang malalim ang ginawa ko at saka naubo ang lahat ng tubig na nainom ko.

"Wake up..." malamig na boses ng kung sino.

Paulit ulit kong pinuno ng hangin ang aking baga hanggang sa makahanap ng sapat na hininga, I slolwly opened my eyes. I caught Spiral's cold eyes, he was looking at my face.

Tumatabon sa kanyang noo ang basang buhok at tumatagaktak ang tubig mula roon na tumatama sa aking mukha. Marahan siyang pumikit bago huminga ng malalim nang nakitang ayos ako.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon