Kabanata 10

91.9K 2.8K 554
                                    


Kabanata 10

Pasado alas dos y media nang marating namin ang Isla Verde, walang hotel rito para marentahan.

Tanging bungalows lamang ang nakakalat sa kung saan saan, kahit sa mga nadaanan namin kanina. Marami ding mga kumakausap kay Miss Concepcion na taga-pangalaga yata ng mga bungalows na rerentahan namin.

"Aircon, po, ba ang mga kwarto?" tanong agad ni Lexa.

I rolled my eyes.

That's what I exactly want to ask, but I didn't baka isipin pa ng mga taga rito ay napakaarte ng mga taga-Maynila. I roamed my eyes around, ang iba kong kaklaseng lalake ay nagkumpulan na sa isang matayog na tree house sa 'di kalayuan.

The place is very peaceful and the view of the blue sea is fucking amazing from here, ganoon din ang simoy ng hangin na malamig sa balat. Alas dos ng tanghali na, pero hindi mainit ang hangin. Iyon ang talagang nagustuhan ko.

"Mayroong may aircon, mayroon ding wala." sagot ng ginang. She looks nice, parating nakangiti.

Napangiwi si Lexa. "I'll take the room with aircon, hindi ako makakatulog ng fan lang."

Miss Concepcion awkwardly smiled. Siniko naman agad ni Giselle si Lexa at inakay palayo. Nanatili akong nakatayo at pinapasadahan ang buong lugar ng tingin.

This place is really great and amazing, the trees are green and looked healthy. Even the grass, mayroong garden sa 'di kalayuan kung nasaan ang tree house. Iba't ibang uri ng bulaklak ang naroon at magaganda ang kulay.

Miss Concepcion took the expensive bungalow. Hindi ko alam kung kasama na namin doon ang mga lalake o para lang iyon sa mga babae. But I think we'll be all in the same bungalow.

"Miss, magkakasama lahat sa isang bungalow?" tanong ni Giselle habang papasok na kami.

Hindi naman nakikisama sa amin ang mga lalake dahil abala sila roon sa tree house at sa iba pang magandang pagtambayan na parte ng Isla.

Umiling si Miss Concepcion. "No, your parents would be furious. Syempre magkahiwalay ang boys sa atin." she smiled. "Mayroong limang silid 'to, ayos lang ba sa inyo kung magkakasama ang iba sa inyo sa isang silid?"

Napatango naman kaming lahat, hinila agad ni Giselle at Lexa ang aking braso. Nag grupo na rin ang iba kong kaklase babae. Nangunot ang noo ko nang makitang nag-iisa lamang si Ashley at walang humihila sa kanya.

"Giz, hilahin mo si Ashley. Tatlo lang naman tayo." I demanded.

Kumunot ang noo ni Giselle, sumulyap siya kay Ashley at ibinalik ang tingin sa akin. Para siyang hindi makapaniwala sa inuutos ko.

"Kailan ka pa nagsama ng outcast?"

I sighed. "Just do what I said, hindi naman pwedeng tayong tatlo lang sa isang room."

Umirap si Giselle, Lexa was dragging me inside the room. Walang nagawa si Giselle kundi sundin ang sinabi ko, hinila niya si Ashley. Mukhang gulat pa si Ashley nang makapasok kami sa silid.

Inside, there are two king-size bed. May aircon malapit sa bintana, makaluma ang disenyo. Hindi katulad sa kwarto ko sa Maynila, ang pader ng kwartong ito ay purong kahoy. Ganoon din ang sahig.

It's just a plain room, malinis at simple lamang. Kulay puti ang dalawang kamang malaki, kahoy rin iyon. May isang TV sa pader at may dalawang cabinet. Iyon lamang ang nilalaman ng silid na ito. Nothing's special.

Lexa immediately turned on the aircon. Iyon ba talaga ang habol niya rito sa Isla? Hindi ba talaga siya sanay na hindi aircon ang silid?

Namumula na agad ang kanyang pisngi at halatang hinihingal.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon