Kabanata 42

99.9K 2.9K 793
                                    


Kabanata 42

We would stay three days in Shangri-La's. Three days lang ang libreng araw para kila Reidjan at Xythen dahil sa kanilang klase, we would want to stay for at least one week sana pero hindi raw talaga pwede dahil importante ang week na ito sa kanila, sa school.

Reidjan get a room for us two, nakakahiya man ay hindi ko na tinutulan dahil siya ang masusunod. Siya ang gusto kong masunod sa amin, hindi lang ngayon kundi kahit kailan.

He sacrificed too much for me. Now, I wanna make him happy by this simple way so I can at least pay those years I didn't see him with me.

Ngumuso ako habang pinapanuod ang maaraw na kalangitan sa malawak na pagkakabukas ng kurtina ng aming nakuhang hotel room. Lavern freely opened the door and excitedly scream.

"My God! I love this room! I love beach! I love Boracay!"

Mahinang natawa ako at napailing, ngumuso siya at padarag na humiga sa malawak at malaking kama. Reidjan was outside with his friends, may kung anong pinag-uusapan pa bago magsiayos sa kanilang mga nakuhang rooms.

It feels surreal to be with his friends I never thought I'd be with them, with Reidjan in this kind of trip. Hindi ko naman naisip ito, pero sobrang saya pala sa pakiramdam.

"Ang ganda rito! I've never been here! Mabuti at bago ako makasal ay nakapunta ako sa ganitong lugar!"

Ngumiwi ako.

"Ikakasal ka na ba?"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mundo ng mg Andrada. Hindi ko alam na talagang pinaninindigan pa nila ang arranged marriage!

Ngumuso siya.

Lavern has pair of chinky eyes, mukhang masungit. Her lips were thin and small, nose is small prominent and high, hindi kakapalan ang kilay, natural brown hair and all, pretty! May katangkaran rin, mas matangkad lamang ako ng ilang inches.

"Cadence is fixed." she heaved a sigh. "With someone... I don't know yet."

"What?" I gasped in disbelief.

"Yup, she texted me about it. Kaya natulog ako kanina buong biyahe natin at hindi nakikipag-usap dahil nalaman ko iyon. Kienzo was furious, pero dahil narito kami ay walang magawa."

Seriously? The fuck!

"God! I never thought she'd marry someone she doesn't even love! Wala ba kayong magagawa riyan? Hindi ba kayo nahihirapan sa ganyang lagay? Maisip ko pa lang ay naiinis na ako." I snorted irritatingly.

God!

Naiinis ako! Gusto ko biglang umuwi at magmukmok para sa kanilang mga Andrada. Hindi ko matanggap na makakasal sila sa hindi nila mahal, ano ang magiging future? Malamang ligwak, aanakan sila at hihiwalayan rin sa huli dahil walang pagmamahal.

She deeply sighed, she look stressed. Gayon pa man ay wala rin siyang magawa kaya pinipilit na lamang ngumisi at magkibit ng balikat na parang wala lang sa kanya.

"Well, that's our life under Andrada's name. Hindi ko alam kung matutuwa ako o iiyak, I decided to be happy this week nalang." tumawa siya sa huli.

Pagkatapos niyang makipag-usap sa akin ng tungkol kung saan-saan ay saka palang nakarating si Reidjan, he closed the door behind him. Bahagyang ngumuso at sumulyap kay Lavern, tumungo siya sa aking banda.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon