Kabanata 29

75.6K 2.3K 1.4K
                                    


Kabanata 29


Huminga ako ng malalim.

"Bakit parang ang lifeless mo ngayon, Zhera?" litong tanong ni Sherlyn.

Ngumuso si Gail. "Balita ko noong Thursday ay sinagip ka ni Spiral, ah? Tinulak ka raw ni Ella?"

"Wala iyon, kailangan lang talaga dahil malapit naman siya sa akin." I chuckled.

Sa totoo lang ay wala talaga sa akin ang pagsagip ni Spiral noon, I'm just really thankful. Ayaw kong bigyan ng mga tao iyon ng malisya, Spiral is a good man. Mabait siya kaya niya ginawa at walang malisya sa kanya iyon.

Mga tao nga naman, lahat nalang binibigyan ng malisya ang bawat kilos.

"Ah sus! Ganoon na rin 'yon, he's concern!" hagikgik ni Gail.

Ngumuso na lamang ako at hinayaan silang kiligin sa mga pinag-iisip nila. Bahala sila hindi ko naman maalis sa isip nila ang gusto nilang isipin kaya mapapagod lang ako makipagtalo.

Nilinga ko ang cafeteria, I saw the playerd having their lunch, also. Nasa isang mahabang table sila at magkakasama roon. Nakita ko rin ang nakangising si Spiral habang kausap si Clayven.

Luminga pa ako sa kabilang banda, my forehead creased when I saw Asthreya Fortin with Reitius. It's been a month since he transferred here, and I always see him with girls. This time I felt the jealous, she's Asthreya.

Damn!

Noong mga unang nakikita ko si Reitius ay may mga nakakausap na babae rito, kadalasan ay ang mga athletes. Hindi naman ako nagselos sa mga iyon dahil natural lang na makasama niya sila. But this time is, I don't know...

Naiinis ako na, medyo lumuluwag ang pakiramdam dahil kahit papaano ay nakikita kong maayos naman siya at mukhang hindi ako nag eexist sa kanya.

Hindi ko parin alam kung bakit narito siya, I thought it was for me. He told me that he searched for me, kaya alam ko ay narito siya para sa akin. Pero nakipaghiwalay na ako at sinaktan ko na siya ng harapan.

Bakit nandito pa rin siya?

Hindi kami magkapatid, does it mean we can be together again?

I really need to know the truth now. Hangga't maaga pa para narito pa rin ako sa gitna, nasa pagitan pa rin ako ng pagpipigil at pagmamahal ng tahimik.

I can always love him from a far.

Tiwala ako kay Radjine sa lahat, alam kong magagawa niyang ipa-DNA kaming dalawa ni Reitius. Marami siyang koneksyon sa ospital, kahit hindi na kailanganin ang aming buhok o dugo. Gagawa siya ng paraan doon.

My phone beeped. Nawala ang atensyon ko sa dalawa.

Unknown number:

How are you?

Kumunot ang noo ko. Who's this? Nagtipa ako ng sagot.

Ako:

Who are you?

Ilang minuto kong hinintay ang pagsagot noon pero walang dumating kaya tinabi ko ang aking cellphone. Baka random texter! Maraming ganyan! Baka gustong makahanap ng girlfriend, mga malalandi.

Sumimsim ako sa aking fruitshake at muling sinulyapan sila Reitius na sabay kumakain, hindi ko inaasahan ito. Sobrang ganda ba ni Asthreya para mapansin niya rin at samahan pa sa mga ganyang bagay?

They looked close! Really, huh? E, 'di sila na!

Kahit gustong gusto kong sugurin sila, nakakainis na wala akong laban sa selos. Kahit anong gawin kong pananakit sa kanya ay nagseselos pa rin ako kapag may nakakakuha ng atensyon niya.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon