Kabanata 7

85.8K 2.9K 332
                                    


Kabanata 7

Naiwan kami ni Mariah na naghihintay sa parking area ng EU, pagkauwian kasi ay may nalimutang libro si Reitius sa itaas na importante kaya naman kinailangan niya talagang balikan.

Mariah was just staring at the ground. Marahang pinaglalaruan niya ang malaliliit na bato roon gamit ang kanyang paa.

Huminga ako ng malalim at nanatiling nakaupo sa frontseat, bukas ang pintuan nito. Ganoon din sa passenger seat kung nasaan si Mariah. Nakalabas ang kanyang mga paa habang nakaupo roon.

"Tell me about yourself," sa kaburyuhan ko ay nakaisip ako ng maitatanong.

Her lips parted a bit and shifted her gaze at me. Sabi ni Reitius ay may iilan pa silang kailangan review-hin kaya naman kasama namin si Mariah na pupunta sa mansyon nila.

Hindi ako sang-ayon na merong ibang babaeng makakapunta sa bahay nila Reitius, I don't know. I just don't like the fact that she would have a chance to meet his mother!

Pero mukhang wala namang balak tumanggi si Mariah doon na lalo kong kinainis sa kanya. Bakit kailangan pa? Sa pagkakaalam ko sa susunod na araw pa naman ang kanilang reporting.

Ano iyon? Papansin lang?

Inayos niya ang kanyang reading glass at huminga ng malalim. May balak ba siyang sumagot o mananahimik lang talaga siya hanggang makarating si Reitius?

"You already know me." she said.

Kumunot naman ang noo ko. "Really? Ba't parang hindi pa?" I asked in a bit sarcastic tone. "I want to know you more, Mariah."

Her forehead knotted as she looks at me. Nababasa ko sa kanya ang kaba, her eyes were really transparent and easy to read.

"Why?" she asked. "I mean, I'm just a low-class girl, nerd and an outcast student here. I don't deserve the attention of a high class girl like you."

Oh damn. What does she mean? Was that an insult or compliment? I feel both. Compliment and insult at the same time because it was came from her. From a nerd girl.

Meron sa akin ang natutuwa na ewan, because she sees me high-class girl. I thought I was a low class rebel girl, that's what Radjine sees me now. Kaya medyo natutuwa ako na meron pa rin naman palang nakakakita sa akin na kahit papaano ay high class.

I smirked. "Who told you that? I'm not a high class girl, I'm just the girlfriend of Reitius Santisteban. That makes me look high class." it's true, for me.

Lahat sila ay mataas ang tingin kay Reitius dahil kahit kailan ay hindi siya namili ng babaeng nagmumula sa crowd ng mga nagkakagusto sa kanya, to think na puro mayayaman din iyon at mga high maintenance girl.

Marami pang bagay na talagang nakakapagpataas ng tingin kay Reitius. Katulad ng kanyang katalinuhan, masipag mag-aral, dean's lister, consistent honor from elementary to highschool at bonus na ang kanyang looks.

I could tell that he's already successful. Parang sigurado na kasi na talagang successful siya sa future wala pa man, at nababatid kong kaya niyang mabuhay gamit ang kanyang katalinuhan. Iyong hindi na niya kakailanganin pa ng tulong mula sa parents niya.

She looked at me seriously. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at marahang napapikit na parang may hindi siya nagustuhang nasabi ko.

What?

"Yes, you are. You better act like one,"

Doon talagang kumunot ang noo ko. Ang kaburyuhan ko ay natabunan agad ng pagkainis, hindi lang dahil sa sinabi niya kundi dahil na rin sa tono niyang pabalang.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon