Chapter 1 - The Heir

4.3K 87 42
                                    

Scarlet's Pov

 "Ugh." ungol ko sabay upo dito sa arm chair dito sa room. Nasa HRM room #101 ako ngayon. Dito nakalagay ang lahat ng gagamitin namin para sa pagluluto. At kasalukuyan akong gumagawa ng Angel Food Cake. Yieee! Mahilig kasi ako sa sweet foods kaya pumunta na ako dito upang gumawa. Kaso napagod ako sa kakahalo ng mga ingredients kaya umupo muna ako dito sa arm chair upang magpahinga. 

Napaigtad naman ako ng mag-vibrate ang cellphone ko. Tsk, sino nanamang istorbo to? Kinuha ko na iyon at tiningnan kung sino ang tumawag, mas lalo akong nanlumo sa aking nakita. Tss, ano nanaman ang iuutos niya? "Dad." sagot ko sa kabilang linya. 

"About the reports? Where did you put those?" 

I let a heavy sigh. As expected, hindi yan nagtatanong kung kamusta ako? Kung maganda pa ba ako, o kung patay na ba ako? Palaging nasa business ang utak niya. Eh kung sunugin ko nalang kaya ang company namin? Tss. "At your desk, specifically in third row." sagot ko habang tinitingnan ko din ang kuko ko wala lang. Boring eh. 

"I found it. At our hotel later Scarlet, don't you dare or else." 

"Fine." mabilis kong sagot sabay end call ko. Tss, nakakarindi. Nakakasawa na! Ayoko na sa ganitong buhay. 

"Looks so serious huh?"

Tatayo na sana ako ng marinig ko ang boses niya. Umupo ulit ako ng hindi magawang lingunin ang kumausap sa akin. 

Kasi, ayan nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko. 

"Scarlet, hey? Turn your fucking back to me here? Tss." 

Hindi ako matakuting tao pero bakit sa tuwing makikita ko siya ay kinakabahan ako? Mahina akong lumingon sa gawi niya at nakatingin lang sa pilyo niyang mukha habang nakapamulsa ang kaliwang kamay niya. Pati ang tattoo niya ay hindi nakakabawas sa pagiging hot niya mas lalo pa ito na nadagdagan pati na din ang hikaw niya sa kanan. Gosh, ayan nanaman I'm drooling. "Zander, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang pasimpleng pumunta sa baking area. 

Tinalon niya ang isang arm chair na nakaharang doon sa daraanan niya at saka hinabol ako. "Visiting a beautiful lady like you." mahina niyang bulong sa tenga ko. God! Zander, bakit mo ako ginaganito?

"May kailangan ka ata sa akin?" pabiro kong sagot sa kanya habang chinecheck kung pwede ko na bang palamigin ang foam cake ko. Please, give me some non-sense job. Hindi ko na kaya ang presensya niya dito. 

Tumawa siya ng mahina at saka pinatong ang catleya notebook niya at nakatayo sa katabi ko. "Kailangan ba talaga diretsahan? Now I know, kung bakit kayo mag-bestfriend ni Dwane. You really amazed me." 

A blush flash on my face. The eff with this guy? Mas lalo lang ako pinapa-inlove. I hate you Zander for making me love you, without your notice. Ugh. "I'm busy Zander." 

I check the foam cake by pressing it softly pero hindi ako nakontento kaya ginamitan ko na din ng toothpick para mas siguro kung naluto na ba siya. "Ano nanaman ang ginagawa mo? I'm really sure masarap to. Hmm, amoy pa lang Scarlet nakakatakam na." he said those lines while sniffing the cake, ugh ang cute niya. God! Zander stay away from me. 

"Ginutom ako eh. And I'm craving for angel food cake that's why I made this. Wala ka bang klase ngayon?" sagot ko habang kinuha ko na ang topping ingredients para foam cake ko. Oh yes, luto na po siya. 

Tiningnan niya ang kanyang cellphone at saka tumingin sa akin. "9:28 am pa lang naman kaya may 32 minutes pa akong maglakwatcha dito sa University. HRM is boring, gusto kong mag-shift ng course." kaswal lang niyang sabi habang pinapanood akong maglagay ng toppings sa cake. 

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon