Chapter 47 - Traitor Tears

814 20 0
                                    

“Himala ang tagal.” Sarkistong bulong ni Scarlet sa kanyang sarili. Mahigit dalawang minuto ng wala si Zander sa kanyang tabi, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Hindi naman sa alam niyang malakas si Zander at kaya niyang patumbahin kahit sino ka pa, pero hindi parin mawala sa kanyang isipan na mag-alala sa kanyang nobyo.

Kay sarap pakinggan, na ang mga salitang iyan noon ay hanggang sa pag-iisip lamang niya pero ngayon abot-kamay na. Totoo na talaga ‘to, at hindi panaginip.

Hinila niya ang kanyang sarili na nakasandig lamang sa kotse ni Zander at mahinang naglalakad patungo sa entrance ng parking lot. Napadaing naman siya ng mahina sa sakit ng masagid ang tama ng kanyang nakabalot na braso ng side mirror nito.

Ininda ni Scarlet ang sakit at sinimulang hanapin ang nawawalang Zander niya.

“That asshole, binaril niya si Scarlet.”

Napatigil si Scarlet, boses ni Zander iyon pupunta na sana siya doon, ng maaninag niya na may tatlo itong kausap. Agad siya nagtago sa isang malapit na kotse, at napagdesisyonan na pakinggan muna ang pinag-uusapan nila.

Dahil hindi naman siya pwedeng magpakita sa mga tauhan niya, lalo na’t napaka-komplikado pa ang lahat.

Kilala silang magkagalit sa GP, isang malaking kakompitensya, kaya ano nalang ang sasabihin nilang dalawa kung sakali mang nahuli silang magkasama o ang mas malala pa ay magkahawak ang kanilang kamay. O di kaya’y …

Nahuli sila ng mga kasamahan nila na agresibong naghahalikan.

Napailing si Scarlet sa kanyang isipan, itinuon na lamang niya ang kanyang sarili sa pakikinig muna doon sa usapan ng apat.

“Scarlet? Yung si Uno yun diba? Magkasama kayo dito?” rinig niyang tanong ni George, kung hindi siya nagkakamali sa pagpapangalan niya.

“Hell no!” rinig niyang mabilis na sagot ni Zander. “Bakit ko naman siya sasamahan dito.” Dagdag pa nito.

Alam niyang kunwari lamang ang pinagsasabi ni Zander sa kanila, pero bakit masakit pa rin lalo na’t galing pa talaga ito mismo sa taong mahal mo? Malaki ang tiwala niya kay Zander, pero masakit pa rin. Alam niyang kasinungalingan lamang ang mga iyan, alam niyang pinagtatakpan lamang siya ng kanyang kasintahan. Alam niya iyon pero…

Masakit pa rin.

“Ah, akala kasi namin na nagkakamabutihan na kayong dala—“

“Huh? Sino si Scarlet? Holy fucki’n hell no! Gumuho man ang mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng iyon lalo na’t isa siyang sagabal.”

Napasandal ng tuluyan si Scarlet sa kanyang narinig, masakit ang dulot na sakit ng kanyang tama sa braso ng masagi ito sa sandalan ng kotse, pero mas masakit pa rin ang salitang iyon na galing pa talaga kay Zander.

Randam niya ang pagkangiwi nito, habang diring-diri ito sa kanya ngayon. Iyong sigaw ng binata na naiirita si Zander sa kanya ngayon ay damang-dama niya. Nakakatawang isipin na kanina, napangiti pa siya dahil sa boyfriend na talaga niya si Zander, hindi niya akalain na pati rin pala sa temporaryong panaginip niya ay masasaktan din siya. Ang akala lang kasi niya ay sa panaginip, malaya kang makapag-isip ng kahit ano, iyon pala pwede rin palang may kokontrol sa iyo ito at iibahin ang kabuuoan ng kwento mo.

Takteng panaginip na yan! Sana hindi nalang yan nagpakita!

Napatakip si Scarlet sa kanyang bibig habang tulalang nakatingin lamang sa kawalan. Halo-halo ang iniisip niya, hindi niya alam kung ano at saan ang unang gagawin. Maging ang lalamunan niya ngayon ay may kung anong malaking harang ng dahilan hindi siya makapagsalita ng lubusan. Mabigat ang pakiramdam niya, at hindi niya alam kung saan ba siya nasaktan ng lubusan? Sa rason ni Zander o sa kasinungalingan nito.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon