Chapter 34 - Pop Message

943 18 2
                                    

3rd Person’s POV

“Huhulaan ko ang kanta na pinapakinggan ni Griff ngayon.” Pilyong saad ni Rico, nasa may couch silang lahat ngayon at hinihintay ang pagdating ng mga bossing nila. “Waaaah! Sumagot naman kayo!” pagmamaktol niya.

“O, ano?” hikab na sabi ni Tyler.

“Edi, slowrock.” Masiglang sagot ni Rico, tumingin lang sa kanya ang kasamahan niya na naguguluhan.

“Joke ba yun Rico?” sarkistong tanong ni George.

Ngumuso naman si Rico, “Oo. Naghe’head bang e.” pagdadahilan niya.

“A, pwede na ba kaming tumawa?” kaswal na tanong ni Harold sabay kusot sa mata niya.

Naguguluhan naman si Rico sa mga tanong nila. Ngumuso lang siya ng pagkahaba-haba habang kinakamot ang likod ng ulo.

“Sige na Rico, sabihin mo lang kung tatawa na kami, huwag kang mahiya.” Segunda naman ni Volkner.

“Ha? Mahihiya? Bakit naman ako mahihiya?”

“E kasi, sa lalim ng joke mo. Hindi na namin mahukay. Sayang ang sarap pa naman tumawa.” Sarkistong sagot ni Tyler, nagtawanan naman sila pero si Rico ngumuso lang at sinamaan sila ng tingin.

“Gray, ang cool mo, pero Ice bakit tayo hindi pa pinapatulog nina Bossing?” pag-iiba sa usapan ni George.

Nagkibit balikat lang si Ice bilang sagot.

“Takte naman inaantok na ako—“

Bang!

 

Bang!

 

Bang!

 

“Fuck!

“Damn!”

“Shit!”

“Asshole!”

“Putek!”

“Takte!”

“Tangina!”

“Aaah!”

 

Sunod-sunod na putok ang kanilang narinig. Naalarma naman ang lahat. May ilan pang tumalon mula sa couch at nagtago sa likod nito. Sina Griff agad yumuko at kinuha ang ashtray sa ilalim ng mesa. Hawak-hawak din nila Rico ang kani-kanilang ulo habang kumukuha ng pamalo. Nang marinig nila na wala ng nagpaputok, ini-angat ni Gray ang kanyang ulo. “B-boss.” Utal niyang sambit ng makitang seryoso lang nakatingin si Zander sa kanila habang mahigpit nakahawak sa Colt M1911.

Napatingin si Zander kay Gray, nilagay niya ang kanyang pistol sa holster at sinipa ang couch na nakaharang sa kanya. “Magbihis kayo, may gagawin tayo ngayong gabi.” Utos niya, agad namang nagsilabasan sa lungga sina Tyler at mabilis tinungo ang kwarto nila.

Gangster's Paradise (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ