Chapter 48 - 1st Monthsary

842 22 0
                                    

Nagising  si Scarlet sa tunog ng alarm clock niya. Pinatay niya iyon, gamit ang isang kamay niya, kinapa-kapa lamang niya ang kanyang side table upang pahintuin ang nakakarindi na tunog na iyon. Nakapikit pa rin ang dalawang mata niya, at tanging kamay lamang niya ang gising at buhay na buhay.

“Fine!” inis niyang sambit, at pwersahang bumangon sa malambot niyang kama. Patuloy pa rin sa pag-aalarm ang alarm clock niya at dahil dun bumangon siya kahit mabigat man sa kalooban. Inis niyang nilingon ang alarm clock niyang walang humpay sa kakatunog, at pinatay iyon. Kinamot niya ang kanyang buhok, tila may Makati doon kahit wala naman.

“Aaaaah! Good morning, sunshine.” Hinihikab niyang sambit, sabay taas sa dalawang kamay niya sa ere at ibinaba rin naman iyon upang kusutin ang dalawang inaantok niyang mata. “Ow.” Ungol niya ng tumunog ang kanyang cellphone, kinuha niya iyon sa ilalim ng kanyang unan, na naging habit na niya ngayon sa kadahilanan na gabi-gabi na silang nagtatawagan ni Zander, at dahil tinatamad si Scarlet na I’unat ang kanyang kamay patungo sa side table, nilalagay nalang niya iyon sa likod ng kanyang unan.

Kumurba ng paitaas ang kanyang inaantok na labi ng makita niya kung sino ang nasa screen niya ngayon. Antok na antok pa ang kanyang diwa, pero nung magtext ang taong ito ay bigla nalang nagising.

Oh well, love can be an alarm clock too.

Maging ang mga alaga niyang insekto sa tiyanan ay nagising din at nagwawala ngayon.

“Oh my god Zander! You don’t have any idea how much I loved you!” kilig niyang sambit sa kawalan ng matapos niyang makapagreply sa nobya, kinuha niya ang teddy bear na nasa tabi lamang niya at niyakap iyon ng mahigpit, mas lalong lumapad ang kanyang ngiti habang iniisip ang mga masasayang alaala nila noong mga nakaraang araw. Iyong mga away na paglubog ng araw ay magiging maayos na sila, iyong mga sigaw ni Zander, iyong mga selos ng binata sa kanya, iyong pagkukuha ng binata sa kanya sa tuwing nababagot ang binata sa haba ng klase niya at marami pang iba.

Cliché as it is, but he is definitely in love with a bad boy.

Nawala ang mga walang humpay na kakaisip sa kawalan ng tumunog muli ang cellphone niya, kinuha niya iyon mula sa kanyang kama na nakangiti at binasa iyon, biglang kumurba pailalim ang kanyang labi at unti-unting sumalubong ang kanyang kilay na may seryosong mukha.

From: TBC Eli

Nabaril si Ayra, ginamot na siya nina Alex but we need you here! Asap.

Binato niya ang kanyang cellphone sa kama at inusog ang kanyang katawan sa gilid ng kama niya at dinampi ang dalawang paa sa sahig, dumiretso siya sa pink niyang banyo at dali-daling ginawa ang mga gawain niya.

Matapos ang lahat ng kailangan niya, pumunta si Scarlet sa kanyang ilalim na kama at may kinuha doon. Umupo siya sa sahig at kinapa ang bag na nasa kama, kinuha niya iyon at nilapag sa tabi niya. May pinindot siya sa box na kulay pink, na gawa sa metal na tanging siya lamang ang nakakaalam sa password na iyon. Binuksan niya ang box ng mag-click ito matapos niyang sagutin ang mismong password, kumuha siya ng tissue mula sa kanyang bag at nirolyo iyon sa kanyang kamay, at kinuha ang pistol niya na laging nakatago doon, mabilis niyang nilinis iyon at inasemble ang lahat. Pagkatapos nun, nilagay niya ang kanyang pistol sa bag at nilagay sa ilalim muli ang pink na box matapos i-lock muli iyon, at napagdesisyonan na tumayo na at bumaba mula sa kwarto.

Bumaba na siya mula sa mahabang hagdanan na punong puno ng marmol ang makikita mo sa bawat hakbang, dali-daling nilakad ni Scarlet ang hagdanan na iyon at pagbaba niya, bumungad sa kanya ang makinis na sahig, pwede mo ng makita ang sarili mong repleksyon dahil sa kintab nito. Bago siya makapunta sa kanyang pakay, madadaanan niya muna ang magarang sala nila na may 80 inches flat screen na nakadikit lamang sa katapat ng isang mahabang yellow golden couch nila, mayroon ding naglalakihang mamahaling vase nila sa kada sulok ng bahay, at may iilang pictures din nila kasama doon ang kanyang kuya.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now