Chapter 22 - Doubts

1.1K 28 12
                                    

3rd Person’s POV

Kumuha ng red wine ang lalaking laging suot ang mala-demonyo niyang ngiti. Muli siyang napaupo sa isang round glass table at kinuha ang dalawang wine glass at sinimulang isalin iyon. Binigyan niya ang magandang dilag, ang kasalukuyang bisita niya ngayon.

“Stop smirking, it’s creepy!”

Pero mas lalo lamang niya iyon pinalaki, mas lalo pa niya binigyan ng malademonyong ngiti. Tumawa pa siya ng salubong na ang dalawang kilay ng dilag sa kanyang harapan. “Why? I am just happy..”

Mas lalong kinilabutan ang babae sa tono nito, alam niyang ganyan na talaga siya. Pero, hindi pa rin siya sanay. Napaikot nalang siya sa kanyang mata at pinagkrus ang dalawang kamay sa ibabaw ng dibdib niya. “Can we start?” bagot niyang tanong at nagsisimula ng mairita.

“Kamusta si Zander?  Patay na ba?” saka uminom ng red wine na nasa harapan niya.

Uminom muna ang dilag, at saka hinarap ang kausap niyang demonyo. “Huwag ka ngang magmadali dyan, nagsisimula palang tayo. Pero malapit na siyang kakagat sa pain ko, konting push nalang..” ngumisi siya dito ng pilyo, hanggang sa pareho na sila ng aura ngayon ng kanyang kaharap.

Mga demonyo!

“Mabuti yan, ipagpatuloy mo lang. Siguraduhin mong sa round 3 ng laro nila, tapos silang lahat. Let’s just say, I hit 3 birds in 1 stone?” muli itong ngumisi at saka napasandal ang likod sa sandalan ng upuan.

Para itong isang nakakatawang biro kung makatawa ang babae ngayon. Tumawa na talaga ito ng malakas at saka kinuha ang glass wine, sinimulang laruin ang laman at tumatawa pa ng mahina. “I push na ‘to!” tapos kumuwala nanaman ng malademonyong tawa ang dalawa. Tanging sila lamang ang nagkaintindihan ngayon.

“Mag-ingat ka rin kay Black Cat, tuso ang isang ‘yon.”

Agad naman napaseryoso ang dalaga sa sinabi ng lalaki sa kanya. Napaupo siya ng tuwid at mataman tiningnan ang harapan. “Alam ko,”

Tumayo ang lalaki at pumunta sa likod ng pwesto ng babae. Naglakbay ngayon ang kanyang mainit na kamay doon sa braso ng babae, ngumiti ang dalaga at saka ngumiti ng pilyo. Hanggang sa bumaba ang dalawang kamay nito patungo sa puwitan niya. Napasinghap ng mahina ang dalaga pero ningitian lamang siya ng binata. Piniga ng binata ang puwitan nito ng marahan at mas lalo pang dinikit ang katawan nito sa katawan ng dalaga. Nakaramdam ng matigas ang dalaga sa may tiyanan niya. Mabilis kumabog ang kanyang dibdib at parang hinahabol na niya ngayon ang kanyang hininga. Napapikit nalang siya ng maramdamang hinalikan siya nito sa noo. Muli itong nagbigay ng lakas loob sa kanya, at sa isang iglap, naramdaman niyang may mahal pala siya at handang isakripisyo ang lahat. Sa isang iglap, naramdaman na lamang niyang ligtas siya sa halik na iyon.

“Take care, Honey..”

****

DSG mansion, 9pm

Kararating lang ni Black Cat sa mansion. Agad naman napahinto ang lahat ng mga underlings niya sa mga ginagawa at biglang tinanguan ito. Tumango rin siya at tiningnan niya si Brown Lion na abala ngayon sa pagtatype sa laptop niya. Naramdaman nalang ni Brown na may sumiko sa kanyang braso, sisinghal pa sana siya ng ngumuso si Violet Snake sa isang direksyon. Napatuwid siya ng upo at saka tiningnan ng patanong si Black Cat.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now