Chapter 41 - Strangers

869 20 0
                                    

“Are you sure you are okay?”

Ngumiti’ng tumango lang si Scarlet sa naging tanong ni Zander sa kanya, dito siya nagpahatid sa TBC mansion dahil ang sabi niya dito lang siya magpapahinga. Pero pansin ng binata na parang matamlay ito, lalo na’t may sugat pa siya sa bandang pisngi nito. Kanina pa siya kinukulit ni Zander kung sino ang may kagagawan niyan pero hindi siya nagsalita kahit ano, iniiba niya agad ang topic hangga’t sa nakakalimutan na ito ng binata. Sa totoo lang, medyo mahapdi na rin ang sugat na natamo niya dahil malalim pala ang pagka-daplis nito.

“Tawagin mo ako kapag natutulog ka na. Kung hindi ka tatawag ngayon—“

“Oo na, takot lang ako sa mga banta mo. Seriously? Boyfriend ba talaga kita?” natatawang saad ni Scarlet, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga mata ni Zander, pakiramdam niya may tinatago ito sa kanya. Noong matapos niya talunin ang limang kalaban niya, oo nga pala, may pagkatapos niyang talunin ang dalawa, may tatlo namang tumalon mula sa puno at sinugod siya. Wala siyang ideya kung sino sila, pero may palatandaan siya kung papaano sila makilala at iyon ang gagawin niya ngayong gabi, pagkapasok niya sa hideout nila ngayon.

“The hell Scarlet! I am you’re fuck’n boyfriend, why are you asking me that?” singhal ni Zander, salubong ang dalawang medyo makapal na kilay nito habang direktang nakatingin sa dalaga.

Napaikot ng mata si Scarlet, hindi nakuha ang joke nito kaya uminit bigla. Mukhang kailangan ng masanay ni Scarlet ugali ng kanyang boyfriend. Boyfriend, ang sarap pakinggan parang kailan lang ay nasa malayo lang siya nakatingin noon at titili kapag nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na pag-mamay’ari na niya ang taong ito, dahil pakiramdam niya ay nasa mahimbing siyang pagtutulog at dinala siya sa napakagandang panaginip. She sighs in satisfaction, twitches her lips into curve and gently touches the disheveled hair of her boyfriend. “You are my boyfriend bad boy, you want a proof?” mahina niyang saad na may halong pang-aakit na rin. Ngumisi siya ng ngumisi rin ng pilyo si Zander sa kanya. Ito iyong Zander na nakilala niya, at ito ang isa sa mga nagustuhan niya.

“Save that proof of yours, when we are married.” Kinindatan pa ni Zander si Scarlet. Tumawa siya ng hampasin siya ni Scarlet sa kanyang braso. Napahawak siya sa head rest ni Scarlet at binigyan ito ng madaliang halik. He unbuckles the belt of the passenger’s seat and gave another smirk. Hinawakan niya ang ulo nito at pinalapit sa kanya, napapikit si Scarlet ng maramdamang may lumapat na labi sa kanyang noo, at nakarinig nalang siya ng isang tunog mula sa pintuan hudyat na binuksan ni Zander ang pintuan niya. “Goodnight bad girl. Text mo ‘ko.”

Ngiti’ng tumango lang si Scarlet at sinara ang pintuan, bago pa isara ni Zander ang bintana ng kotse ay nagsalita pa si Scarlet. “Thank you.”

Kumindat lang si Zander habang nakadungaw siya mula sa bintana, “I love you.” sagot ni Zander at pinahurorot ng takbo ni Zander ang kotse paalis.

Sinundan lang ni Scarlet ng tingin ang nakatakbong kotse ni Zander, ng makalayo na ito, pumasok na siya sa gate ng subdivision, pinagbuksan naman siya ng guard doon at nilakad ang patungong hideout nila. Iyong kotseng dala niya doon nalang muna sa bahay ni Zander dahil wala siya sa mood magmaneho.

Pagpasok niya sa mansion ay wala ng maiingay niyang kaibigan sa couch habang nanonood ng mga drama, napangiti siya sa kawalan ng maramamdaman niyang namiss niya ang mga kumag na ‘yon. Hindi na sila nagkakasama, sa kadahilanang busy siya at may kanya-kanya rin silang mga buhay.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now