Chapter 31 - Round 2 (Part 2)

945 24 3
                                    

3rd Person’s POV

“Woah. ‘Di ko akalain na magaling pala iyang Black Cat na iyan sa paggamit ng katana a?” manghang sabi ni Rain.

Tumango naman si Malyn at saka nagsalita. “Oo, iyong mga ganun na moves ang gusto kong malaman. Tsk!”

“Diba ginamit din niya ‘yong Hiten Mitsurugi Ryuu technique? Hayup, yun ang gusto kong matutunan e.” pagmamaktol ni Rain.

“Oo, tapos ginamit din niya iyong Kenshin technique para madaplisan niya si Keed at mapatumba. Grabe lang, ang galing!” segunda naman ni Malyn at halatang manghang-mangha sa ginawa ni Black Cat kanina.

“Okay, kunwari OP tayo sa dalawang expert sa katana.” Pagpaparinig ni Ree, lumingon naman ang dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

“At kunwari rin hindi tayo naninibago kay Uno.” Puna pa ni Agnes na katabi lang si Ree.

“At kunwari rin, hindi natin alam kung kailan pa siya matutong humawak ng cellphone at magtext habang ngumingiti.” Segunda pa ni Alex,

Napatigil saglit si Uno at nilingon ang kasamahan. “At kunwari rin na wala akong narinig.” Sabay paikot sa mata niya, at muling bumalik sa kakatext.

“Seriously Uno, kailan ka pa natutong magtext a? That’s unusual to you.”

“Things are happen to change Deynisse.” Sagot naman ni Uno habang nakatext pa rin.

Napailing nalang ang kasamahan niya at itinuon nalang ang tingin nila sa stage, nakita nilang pumunta muli ang emcee sa base ng stage at muling binalik ang dalawang roulette wheel at rolling table sa gitna ng stage.

“Napabilib ako kay Black Cat.” Napalingon naman ang kasamahan ni Uno ng biglang nagsalita ito. “May alam din naman ako sa katana, pero hindi ako expert dyan. Base sa kinikilos niya, halatang may alam siya sa lahat. He is always a mysterious to me.” Seryoso niyang saad.

“Iyon din ang iniisip ko, naalala niyo iyong sa round 1? Akala mo wala lang siyang ginagawa, pero kung papanoorin mo iyon ng maigi, may mga moves siya na hindi mo nalang mamalayan, tumba kana pala.” Singit ni Eli sa usapan. Tumango naman si Uno, bilang pagsasang-ayon.

“And he reminds me of—“

“Yellow Cat, especially when using the katana sword.” Pinutol ni Joddy ang sasabihin ni Uno. Kunot noo naman sila ngayon, at si Uno naman ay seryosong tumango.

“Sino si Yellow Cat?” takang tanong ni Ayra, nabaling naman ang atensyon nito sa kanya, kaya naman napasandal siya ng wala sa oras sa kanyang upuan. “Curious lang ako, iyon lang.” pahabol pa niyang sabi.

“Ikaw ha? Masyado kang defensive.” Ngising saad ni Alex, na siya namang ikinamutla ni Ayra ngayon.

“The late Empress of Gangster’s Paradise. Hindi ko siya palaging nakikita dito sa GP noon, dahil palagi siyang wala na dito, tanging si Blue Bird nalang at ibang GP councils ang laging nandito upang mag-asikaso, and besides, kaya ko lang siya nakita noong gumamit ng katana dahil noong panahon na iyon, pumunta kami ng kuya ko sa hideout ni Yellow Cat at sakto namang nag-eensayo sila ni Dianne gamit ang katana.”

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon