Chapter 38 - Be my property

975 23 6
                                    

Hello, pasingit muna. Sorry kung lame palagi ang update ko. T__T actually wala po talagang kasiguraduhan ang plot na ‘to at hindi ako sure sa lahat, pansin naman diba? Ang dami kong typos at mga nakakalimutan na names,places, events, settings etc. Pero ginagawa ko po ng paraan para mapaganda ang story na ‘to (kaya nga gusto ko na siyang tapusin kasi sakit sa ulo ‘yong madaming characters) Huhuhu, app story kasi ito kaya nagkadeletche-leche ang lahat. Pero, thankful ako sa mga sumali, at wala akong pake kung hindi na kayo nagbabasa nito, names at characters lang ang habol ko kaya wag kayong mag-alala.

Thank you din pala sa mga nag-vote, comment at sa naglagay sa RL nila.

Oh, cut the crap. Here’s the update, enjoooy! ;) have fun HOMIES. (Yeah, bago kong tawag sa inyo) *wink*

****

“Tol? Tulong naman dyan, mag-isip kayo ng ikakarason, dali na!” mahinang bulyaw ni Tyler Harold, yumuko siya para hindi halata kay Zander na natatakot na siya dito.

“Anong ako?” mahinang sita ni Harold at tiningnan si Volkner, “si Volkner ang pinakamatalino sa ating tatlo, siya ang ipaparason mo.” Bulong pa niya. Pinagpawisan na siya ng malabutil na pawis, at nanlalamig sa kaba dahil noong pasekreto niyang sinulyapan si Zander, nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa kanila.

“Ha? Ako matalino? Hindi a? May anim na failed nga ako nun sa highschool e. Tsaka isa pa—“

“Kelan pa matatapos ang mga bulong-bulongan ninyo dyan?”

Sabay-sabay silang napaangat at mas lalong dumami ang mga pawis nila sa noo habang nakatingin sa nakakatakot na aura ng kanilang boss. Lumayo si Volkner at napunta siya sa pinakadulo ng sofa, at ganun din si Tyler habang si Harold naman ay naiwan sa gitna. Lumingon si Harold kay Volkner pero umiwas lang ito ng tingin habang nakalumbaba sa arm rest ng couch, patingin-tingin pa ang kumag sa kisame na para bang walang nangyayari. Napakamot si Harold sa kanyang ulo binaling ang tingin kay Tyler, nakayuko lang si Tyler habang pasimpleng tinitingnan ang kuko niya. Sa isip-isip ni Harold, talagang tunay nga sila na mga kaibigan. Makikita talaga sa araw ng gipit. “B-boss, k-kung m-mamatay man lang k-kami ngayon, pwede b-bang patawag muna?”

Kunot noo naman  si Zander sa kanyang narinig, “Bakit? Wala ka bang load?” tanong niya. Umiling lang si Harold, kinuha niya ang kanyang cellphone at binigay ito kay Harold. Mas lalo siyang nagtataka kung bakit nanginginig abutin ni Harold ang cellphone niya. Animoy nakakakita na ito ngayon ng totoong demonyo sa tanang buhay niya.

Mabilis dinial ni Harold ang number ng kanyang tatawagin. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway habang hinihintay na sasagutin ang tawag. “M-mamu si Arold po—“

“Pfft! Mamu? Ano yan? Dumidede ka pa sa mama mo?” natatawang saad ni Zander.

Nanlaki ang mga mata nina Volkner at Tyler ng tumawa ng malakas si Zander sa harapan nila, nagkatinginan pa silang dalawa, maya-maya pa ay humagalapak na sila ng tawa.

“Mamu, mahal na mahal po kita, tsaka ano uhm.. Opo, may g-gatas p-po dito, m-mamu n-naman e—“

“Pffft! Bwahahahaha! Tama na nga yan, pffft!” natatawang sabi ni Zander habang napapunas na talaga sa naluluhang mata niya, maging ang dalawa ay natawa sa inasal ni Harold. Hindi nila akalain na may ganito palang side ang kumag, ang akala nila e puro hubo’t hubad na babae ang alam nito.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon