Chapter 37 - The Proposal

947 28 3
                                    

Nakaawang lang ang bibig ni Scarlet ng marinig niya ang pag-aamin ni Zander sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang mga katagang iyon ang maririnig niya ngayong araw. Napatingin lang siya sa seryosong mukha ni Zander habang nakakuyom ang dalawang palad. Ang kaninang mga bulong-bulongan niyang narinig ay bigla nalang itong nawala sa kanyang pandinig. Pati ang mga tao na nakapaligid sa kanila ay biglang nawala na rin, maging ang mukha ni Maye ay nakalimutan niya sa mga oras na ito. Ramdam pa rin niya ang mga kiliti sa kanyang tiyan at feeling niya lumulutang na siya ngayon sa himpapawid.

Pati ang mabilis na pintig ng puso niya ay naririnig na rin niya. Animoy, may under construction sa loob ng at kasalukuyan ito ngayon pinupokpok gamit ang martilyo.

Ito na nga, ito ang araw na pinakahihintay niya. Mahal din siya ng taong mahal niya.

Pinahid niya ang kanyang luha na tumulo mula sa kanyang mata at tumawa ng mahina. “Totoo ba ‘to?” pagkukumpirma niya, ng dahilan mapaangat ng ulo si Zander sa kanya at kumunot ang noo nito.

“Sa tingin mo ba aamin ako kung hindi?” pamimilosopo ni Zander.

Bago pa siya makapagsalita muli, nakita niya mula sa likuran ang nagmamadaling umalis na Maye. Ngumisi siya habang sinusundan ito ng tingin palabas. Natawa pa siya sa kanyang isipan ng makita niya itong namumula at busangot ang mukha. Nagmumukha kasi itong talunan.

Binaling niya muli ang tingin niya kay Zander na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya. Nag-hand gesture siya sa mga empleyado na bumalik sa mga trabaho nila. Agad naman itong nagsibalikan sa mga trabaho pero sumusulyap kung hindi nakatingin si Ma’am Scarlet nila.

Lumakad si Scarlet patungo kay Zander, habang kinagat ang ibaba ng labi niya. Nang makalapit na siya sa binata, ngumuso siya ng parang nakakaawang bata dahil seryoso parin itong nakatingin sa kanya. “Why are you giving me that stern look?” inosente niyang tanong sa binata.

“Then why can’t you accept the fact that I loved you?” mabilis na sagot ni Zander.

“Nabigla lang ako. Sorry.”

Humingang malalim si Zander at binigyan niya si Scarlet ng isang ngisi. Natawa naman siya ng ngumisi rin pabalik sa kanya ang dalaga. Hindi talaga mapagkaila na may pareho silang ugali. Hinawakan niya ang pulsuhan nito at dinala muli sa couple ring section.

“Anong tiningin-tingin mo dyan?” iritang tanong ni Scarlet, ng makitang nakatingin si Zander sa mga couple rings.

“Bawal?” tanong ni Zander pero nasa couple rings parin nakatingin.

“Oo.” Sagot naman ni Scarlet, sabay crossed arms.

Tumingin si Zander kay Scarlet at nagkibit balikat, “Sige, ayaw mo ata ng couple ring e.”

Nanlaki ang mata ni Scarlet na may mapang-awang bibig. Lalakad na sana si Zander pero agad nahawakan ni Scarlet ang isang braso ni Zander. Ngumisi si Zander ng palihim sa inasal ng dalaga ngayon. “Sabi ko nga, titingin tayo diba?”

Gangster's Paradise (Book 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat