Chapter 23 - School Festival (Part 1)

1.1K 28 4
                                    

3rd  Person’s POV

Nanatili lang si Scarlet na nakatingin kay Zander mula sa malayo. Hindi na niya nakita ang iba pang tao na nakapaligid sa kanilang dalawa, pwera lang sa isang tao. Para siyang tuod na ngayon kung mangatog ang tuhod, halos maubusan na siya ng lakas dahil sa kanyang nararamdaman. God, siya at siya lang talaga ang nakakagawa kay Scarlet, noon pa man.

“Hindi na my boo, masaya na akong nakikita ko siya sa malayo. Tara na..”

Halatang nasurpresa si Dwane sa sinabi ni Scarlet, ibig sabihin ba niyan ay may pag-asa pa siya? Pinili siya ni Scarlet doon kay Zander? Parang may kung anong saya siyang nararamdaman sa kanyang damdamin, iyong kaninang kirot sa kanyang puso ay napalitan ng saya. Parang gusto na niyang magbunyi, magpakain sa lahat ng taong makakasalubong niya ngayon, dahil lang sa mas pinili siya ngayon ni Scarlet, kesa kay Zander. Mabilis niyang pinahid ang kanyang luha sa pisnge at mabilis tumungo kay Scarlet.

Nagitla naman si Scarlet ng maramdaman niya ang mainit na palad nito na unti-unting dumidikit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata ng makitang namumula ngayon si Dwane, sa hiya ata? “O-okay l-lang b-ba kung h-hahaw-wakan ko ang k-kamay mo?”

Ngiting tumango naman si Scarlet. Silly, ano bang nangyari sa bestfriend niya na ganito nalang ngayon kumilos. Parang ngayon lang sila nagkakilala. Jusme, 20 years old na sila, kung hindi niyo po itatanong kaya nagtataka siya kung bakit ganito nalang si Dwane umasta.

Parang highschool lang a?

“Ano ka ba my boo? Of course, you can do that whenever you want. Tara sa canteen, nagugutom ako..” hinila na niya si Dwane patungong canteen, habang naglalakad sila, nakikita niya ang mga busy’ng estudyante sa pagkakabit ng mga kung ano-ano sa HYU ground. Marami ng mga stalls ang nakatayo doon at wala siyang pakialam kung busy na rin ang mga classmates niya. Napansin din niya na may nilagay na banner doon sa may main gate ng HYU, may  nakalagay pa na picture ng President nila sa University at sa gilid nito ay may pangalan niya, marahil pupunta iyon dito ngayon. Oh well, pupunta lang naman ang President ng school kung may importanteng activity sa University nila, at binibisita ang mga bagong structure sa bagong building. Ang sabi-sabi kasi raw, balak daw lagyan ng panibagong kurso ang University nila, pero ibang storya na iyon.

Napailing nalang siya sa kanyang isipan, ni hindi nga niya alam na School Festival pala nila ngayon. Pabayang estudyante.

Ngumiti ng mapait si Dwane sa nagawang sagot ni Scarlet sa kanya, oo nga naman, bakit hindi niya naalala na ayos lang kay Scarlet ang lahat kung ano man ang gawin niya nito sa dalaga. E, iyong mahalin siya? Ayos lang kaya iyon sa kanya? Napantig ang kanyang isipan ng maalala niya kung bakit siya busy ngayon, tsk siya lang naman ang Course Governor sa Department nila. Nasa kanya pala lahat ng mga assigns ang gagawin niya.

Huminto sila sa may gitna na mesa at wala pang pumwesto doon. Hindi masyadong matao ang canteen, hindi tulad ng nakasanayan, marahil, dahil ito sa School Festival ngayon. Kinuha niya ang dalawang upuan at giniya si Scarlet na umupo. “Ako na ang bibili,” alok niya sa dalaga.

Tumayo si Scarlet at pinaupo si Dwane sa upuan. “Ako na, alam kong busy ka. Just leave it to me, alright?”

Ngisi lang ang sinagot ni Dwane. Sumimangot siya ng piniga ni Scarlet ang kanyang ilong. “Sorry, namiss ko lang pigain ang mahaba mong ilong. Ang sarap mong sabunutin my boo, ang cute mo e..” tapos tumakbo si Scarlet papuntang counter.

Gangster's Paradise (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt