Chapter 39 - Her Decision

893 22 1
                                    

Rule no 6. Boss, kapag natapos ka na sa sasabihin mong pwede ka bang manligaw, hayaan mo muna siyang matulala, at ngingiti ka parin ha? Ngiti ka lang ng paswabe kahit kinakabahan kana, syempre ganyan ang pakiramdam ng manliligaw e, dapat cool parin ang hitsura mo, ‘wag kang patae-tae sa harapan niya kung ayaw mong mabusted. Hintayin mong sagutin ka niya sa panliligaw mo.

 

Ngumiti lang si Zander kahit kinakabahan na siya sa kanyang kaloob-looban. Kinakabahan siya dahil sa magiging sagot ni Scarlet para sa kanya. Alam naman niyang sasagutin siya ni Scarlet dahil gusto lang nito magpaligaw, pero hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan sa magiging sagot nito.

Ganito pala ang pakiramdam kapag may nililigawan ka. Hindi niya ito naramdaman noon dahil hindi naman siya naglakas loob na makipag-usap noon kay Maye, hanggang tingin lamang siya sa dalaga. Kapag titingin ito pabalik sa kanya, agad naman siyang tatalikod at tatakbo hanggang sa makalayo.

Maye, speaking of her.

Nakalimutan na pala niyang nandoon siya sa Town’s Mall , kung saan nandoon sila ni Scarlet. Ngayong gabi sana siya aamin sa dalaga, pero sa nangyari kahapon ay napaamin tuloy siya ng maaga.

Sa harap pa ng mga tao.

Nabalik naman siya sa kanyang realidad ng maramdaman niyang basa ang mga palad ni Scarlet na nakapulupot parin sa leeg niya. Gaya rin niya, halatang kinakabahan din si Scarlet. Natawa siya sa kanyang isipan, pareho pala sila ng nararamdaman ngayon.

So, is it a yes?

“Masyado ba’ng mahirap ang tanong ko para matulala ka na ngayon sa gwapo kong mukha?” nakangisi niyang tanong,

Napaikot ng mata si Scarlet sa pagiging kahambugan nanaman ng lalaking ito. Paano ba siya makasagot agad e, parang hinila paatras ang dila niya at binawi ang boses niya.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nililigawan ka, lalo’t ang taong mahal mo pa ang nanligaw sa iyo. Wala ng ibang pagsidlan pa ngayon sa kanyang kaligayahan, dahil nag-uumpaw na ito. Hindi niya alam kung kailan siya nahulog ng tuluyan sa binata pero, ang alam lamang niya ay masaya ito kapag nakikita niya ito mula sa malayo. Kontento na siya noon na makikita niya ito sa university na maangas na naglalakad sa campus, buo na ang araw niya nun. At kontento na rin siya na kinu-kwento niya ang mga iyon sa kanyang best friend.

Best friend, speaking of that, will he become happy if she tells about Zander? Nang maalala niya si Dwane, bigla nalang pumasok sa isipan niya ang eksena kung saan nagmamakaawa ang matalik niyang kaibigan. Nang tingnan niya ito sa mga mata, awa ang naramdaman niya. Kung pwede lang niya kunin ang puso ni Dwane at lagyan ng markahan ito na hindi siya pwede, ay matagal na niyang ginawa. Nakakatawa ano? Hindi man lang niya naramdaman ang mga pinapahiwatig ni Dwane para sa kanya.

Na, mahal na pala siya ng kanyang kaisa-isang best friend.

Pero hindi naman pwedeng suklian niya ang pagmamahal na iyon, gayong ang pagmamahal niya ay nakalaan na sa iba. Unfair, para sa taong mahal niya at unfair din iyon para sa kanya. Kasi alam mo kung bakit? Hindi ka magiging masaya kung ginawa mo lang ang isang bagay dahil lang sa naawa ka.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon