Chapter 53 - Unexpected Family Dinner Date

794 15 0
                                    

Nagmamadaling lumalakad si Scarlet palabas ng hospital. Tantiya niya, mga alas otso ng gabi makakarating ang kanyang mga magulang ngayon. Mayroon pa siyang dalawang oras, upang paghandaan ang lahat. Wala siyang ideya kung bakit parang nagmamakaawa si Dwane sa kanya, pero pakiramdam niya hindi maganda ang mangyayari mamaya.

Tumigil saglit si Scarlet sa kalagitnaan ng paglalakad, nasa may hallway pa rin siya at naglalakad patungo sa labas. Maraming tao ang nasa hallway, may lalaki at babae na nakaupo sa bakante na mahabang silya sa gilid. Pawang may hinihintay silang dalawa mula sa kwartong katapat lamang nila. May mga nurse ring nagmamadali, habang dala ang mga gamot at iba pang kagamitan, maging ang mga doctor sa hospital ay kanya-kanyang labas pasok sa mga kwarto.

Pasimpleng lumilinga si Scarlet sa kanyang paligid, lumingon siya sa kanyang likuran iniling niya ang kanyang ulo at kinukumbinsi ang kanyang sarili na ilusyon lamang niya iyon.

Huminga ng malalim si Scarlet ng napatigil muli siya, malapit na siya sa exit way ng hospital ng makaramdam muli siya ng may nagmamasid sa kanya. Lumingon siya sa kaliwa’t kanan niya, umatras siya at binalikan ang hallway na nadaanan niya. Lumiko siya sa kanan, may iilan pang nurse na nagmamdali sa paglalakad na nakasalubong niya. Patuloy lamang sa paglalakad si Scarlet hanggang sa marating niya ang isa nanamang koridor.

Lumiko siya sa kanan at pinapakiramdaman ang nakasunod sa kanya, napangisi siya sa kanyang isipan ng naiinis na siguro ang sumusunod sa kanya dahil kanina pa siyang naglalakad at paliko-liko sa buong hallway. Lumilinga-linga si Scarlet sa kanyang paligid, nasa may dulo muli siya ng koridor may dalawang daan muli patungong kanan at kaliwa. Nilibot muli ni Scarlet ang kanyang paningin, may iilan pang kwarto pa dito na hindi pa ginagamit, sinubukan niyang pihitin ang isang door knob ng unang nakita niyang mata. “Ugh!” ungol niya ng hindi mabuksan ang pintuan na iyon.

Luminga-linga muna siya, sinisigurado muna na walang tao ang nakatingin sa kanya ngayon. bahagya muna siyang umatras at malakas sinipa ang pintuan. Tumalbog ang pintuan at patuloy pa rin ito sa pagduduyan ng hangin ng mabuksan na niya ito,bahagya pang nayupi ang metal na pintuan dulot ng heels na gamit niya sa kanyang sapatos. Agad niyang pinasok ang madilim na kwarto na iyon at sinara ang pintuan kahit alam niyang hindi ito masisira.

Mahigit minuto na siyang nakasandal sa madilim na pader dito sa loob pero hindi pa rin nagpapakita sa kanya ang hula niya may sumusunod sa kanya. Iniisip niya kung sino ang mga possibleng kaaway ang susundan siya hanggang hospital. Madilim sa loob ng kwarto ng kanyang pinasukan pero may kaunting liwanag dahil sa ilaw ng buwan na tumatama sa bintana, isa itong kwarto ng pasyente na hindi na ginamit, bale reserba ito sakaling maraming pasyente ang mangingiilangan.

Nanlaki ang mata niya ng may tumusok na dagger, isang hinga lamang sa kanya. Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip ng may lumipad na dagger sa kanya.

May sumusunod talaga sa akin! Giit ni Scarlet sa kanyang isipan.

Kinuha ni Scarlet ang dagger na nakatarak sa kanyang gilid, nakapantay sa kanyang tainga. Ngumisi siya ng mapagtanto na bihasa sa paggamit ang taong ito sa paghagis ng dagger. May narinig si Scarlet ng kaluskos mula sa unahan, humarap siya doon habang mahigpit hinahawakan ang dagger ngayon.

“Akala mo sa bintana ako dadaan?”

Bahagyang napatalon sa gulat si Scarlet ng may biglang nagsalita mula sa pintuan. Mabuti nalang at hindi niya nabitawan ang dagger na hawak niya, kahit nagulat siya doon. Kumunot ang noo ni Scarlet sa kanyang nakita, isa nanamang naka-itim na suot, fit ito sa kanya at may maskara ring nakatabon sa kanyang mukha. May iilang kagamitan ito sa kanyang likod, tantiya niya ay mga ‘deadly weapons’.

“Nabigla? Hindi makapaniwala? O sadyang magaling lang ako?”

Nabalik naman si Scarlet sa wisyo ng magsalita muli ang taong nakaitim lahat ang suot. Inihanda niya ang kanyang sarili kung sakaling aatake ito sa kanya ngayon. Ikinalma muna ni Scarlet ang kanyang sarili, saka siya naglabas ng makamatay na ngisi. “Ako? Bakit naman?” ganting asar niya sabay lapag muna sa bag niyang dala sa sahig.

Gangster's Paradise (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora