Chapter 17 - Round 1 (Part 3)

1.1K 33 10
                                    

3rd Person’s POV (Before, Red Serpent Gang VS. Demon’s Side Gang na away)

“What was that?” pabulong na tanong ni Scarlet kay Zander. Kikiligin na sana siya sa nagawang pag-amin ni Zander, pero hindi niya nagawa dahil sa kalabog na narinig nila ngayon. Silang lang ang dalawa sa lugar ngayon, kaya impossible na galing lang din sa kanilang dalawa ang kalabog na iyon. Ayos lang sana kung hindi sila nasa ganitong sitwasyon. Pero hindi e, kilala ang TBC at Tres Malditos at isali mo pa ang DSG na isang malaking ka-kompitensya. Lalo na ngayon na may laro silang nilalaro, kaya inaasahan ng lahat na walang kahit anong ugnayan ang namamagitan sa kanila. Noon pa sila nagturingan ni Zander at Scarlet ng ganito, hindi man nila napag-usapan ang ganito, pero siguro nga isa itong instinct na dapat gawin nalang. (Iyon ay kung nandito lamang sila sa GP, at tulad ng napapansin ninyo, magkaibigan sila outside GP)

“Aalamin ko..” sagot ni Zander at nagsimulang halughugin ang kapaligiran. Pumunta siya sa may likod parte ni Scarlet, kung saan narinig nila ang kalabog. May iilan pang kahoy na nakasandig lang sa sulok, hinawi niya iyon at nakita niya na may itim ang suot at humalukipkip pa na nakatingin sa kanya.

“Looking for me?”

Napaangat si Zander ng marinig ang boses na iyon, sa kanyang kanan, lumapit ang nagsalita patungo sa kanya, there he saw Black Cat walking towards him, wearing those impassive expression again, and giving him a cold stare. Okay? What was that?

Hindi niya nagawang iwasan ang suntok ni Black Cat sa kanya, hindi pa siya nakabawi ay susuntukin nanaman siya ni Black Cat ngayon. Napansin niyang galit ito sa kanya ngayon, pero sa anong dahilan, ginawa na ngang patas ang laro bakit galit si Black Cat sa kanya?

Dahil ba sa mas gwapo pa siya kaysa dito?

Mabuti at naging alerto na si Zander, kaya nailagan niya ang kamao ni Black Cat. Ang dingding ang natamaan sa suntok ni Black Cat ngayon. Galit niyang tiningnan si Zander, na hawak-hawak parin ang panga niya. “Ano ba ang problema mo ha?!”

“Don’t you ever use Uno, for your filthy plans.” Malamig na sambit ni Black Cat na siya namang ikinatigil ni Zander ngayon.

Napatawa ng sarkisto si Zander. Binigyan niya si Black Cat ng hindi makapaniwalang tingin. Tumikhim muna siya, bago magsalita. “Plano? Alam mo ba ang mga plano ko?”

“Ginagamit mo lang siya, tama ba ako?” seryosong saad ni Black Cat.

Nagngingitngit ngayon sa galit si Zander, ng sabihin ni Black Cat ngayon. Biglang nagdilim ang paningin niya kaya wala sa sariling nasuntok niya si Black Cat direkta sa labi nito. “Guilty? Oh, I can sense that. Tama ako diba? Lumalapit ka sa kanya ngayon, dahil isa siyang sagabal.” Mas lalong nang-init ang pakiramdam ni Zander sa galit ng magsalita muli si Black Cat. Masama niya itong tinitigan, habang nakakuyom ang dalawang kamao.

“Huwag mo akong pangunahan sa mga plano ko, sino ka ba?” ganting bulyaw ni Zander. Nayayabangan na siya sa kumag na ‘to e.

“Gusto ko ng malinis na laro, Zander. Huwag mong dumihan. Naturingan ka pa naman na leader ng Tres Malditos. At huwag mong pagsamantalahin ang kahinaan ng isang babae, ang bakla pakinngan.”

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now