Chapter 8 - Know your enemy

2K 44 19
                                    

3rd Person’s Pov

“Ms. Briones..” maawtoridad na tawag ng kanilang professor doon kay Scarlet na panay lang ang sulat sa kanyang notebook, tumayo na siya at kinakabahang tumingin sa prof nila. “If you’re going to deal a product, what would it be? And how will you convince them to buy?” tanong ng kanilang professor habang hawak ang kanyang manual guide. Inayos niya muna ang kanyang reading eyeglasses at saka tumingin muli kay Scarlet habang hinihintay ang sagot.

Napakagat-labi naman si Scarlet sa tanong ng prof nila, wala siyang ka-alam alam sa business kaya naman hindi niya alam ang sagot. Pasimple niyang kinuha ang kanyang Management book at binuklat ito. “No reading of books, Ms. Briones..” muli siyang napakamot sa kanyang ulo at tumingin sa kisame. “Peste! Wala akong alam sa business chuchu na ‘yan! Kung bakbakan nalang sana ang tanong niya edi nasagot ko na! Kaiyak naman ‘to oo!”  sa isip ni Scarlet habang iniisip kung ano isasagot niya.

“Are you trying to kill me with your looks now, Ms. Briones?”

Napaayos naman ng tindig si Scarlet huminahon muna, “Po? Hindi po..” sagot niya at sinabayan pa ito ng iling, animoy parang bata na pinagbintangan ng kasalanan.

“Okay then, answer my question. You’re two minutes standing there, yet you don’t have the plan to answer it. Unless you want a point 3 grade in the finals.”

Umiling muli si Scarlet at nag-iisip kung ano ang dapat isasagot. Mahinang tumawa ang kanyang mga kaklase, sinamaan niya ito ng tingin ng dahilan upang natahimik sila bigla. Takot sila kay Scarlet, dahil kalat na sa buong campus na sina Zander at Scarlet pati na rin sina Zap at Zach ay pawing mga gangster na kinatatakutan sa labas. “Uhm, please repeat the question Prof. Guliam..”

“If you’re going to deal a product, what would it be? And how will you convince them to buy?”

Sasagot pa sana siya nang biglang nag-ring ang bell nila, ibig sabihin tapos na ang klase at hindi na niya masagot ang tanong ng prof nila. Ngiting pinagligpit ni Scarlet ang kanyang mga gamit at saka isinukbit ito sa balikat niya.

Bago pa siya lumabas, tinago niya ang kanyang school I.D sa loob ng kanyang butones. Ayaw niyang pati I.D ay makikita niya ang masaklap niyang buhay. Isa siyang Business Management student. Ito ang pinakuha sa kanya ng daddy niya dahil siya lang din naman ang tagapagmana ng lahat ng mga negosyo nila. Kahit gustong-gusto niyang mag-HRM ay wala rin naman siyang magagawa dahil hindi naman siya ang nagproseso sa kanyang enrollment, kundi may pinautos na ang kanyang daddy dito mismo sa school. Iba talaga kapag marami kang kilala dahil mas nagiging madali lang ang lahat. Bukod sa kilala mo sila at kilala ka rin nila, ay pakitaan mo lang ng salapi mapa-oo mo agad sila.

Kasamaang palad, nasa fourth year college na siya ngayon sa kursong ayaw naman niyang pag-aralan, apat na taon na rin siyang naglilihim lang nagluluto doon sa HRM 101. Yup, ito ang ginagawa niya palagi kapag nakikita niyang walang gagamit sa kwarto na iyon. Apat na taon na rin niyang iniwang malabasura ang kwarto na iyon, matapos niyang gumawa ng kung anong lulutuin o gagawin niya.

Napatingin siya sa kanyang cellphone, itetext na sana niya si Dwane nang may humigit sa braso niya. Bahagya siyang lumiko at pwersahang pinilipit ang braso ng patalikod. “Hey! What the hell is this Scarlet?” mahinang singhal ni Zander, binitawan naman ni Scarlet ang braso nito habang si Zander naman ay napahawak naman siya sa kanyang braso. Napatigil din ang ilan sa ginawa nilang munting eksena kanina, sino nga ba ang hindi? Isang Scarlet at Zander na ang nagkabungguan ngayon. Aba’y matinde!

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon