Chapter 4 - The Gangster's Paradise

2.6K 51 48
                                    

3rd Person's Pov

"So.. Ano na ang gagawin natin ngayon?" bored na tanong ni Ayra sa lahat, napagkasunduan nilang mga TBC na mag-window shopping. Yun nga, nasa isang mall na sila ngayon na pagmamay-ari lang din ng mga Briones. Malaya silang kumuha lang ng kumuha sa kung ano ang gusto nila. 

Wala eh, mabait kasi ang bossing nila. Pagdating sa pagkain. 

"Hiking?" nakataas na kilay na suhestiyon ni Malyn at muling sumubo sa italian pizza. 

Nilunok muna ni Scarlet ang juicy burger na hawak niya atsaka napatayo sa kanyang narinig."Hiking? Adik ka ba Malyn? Nasa mall tayo tapos hiking ang isa'suggest mo? Nagkakatol ka nanaman?" halos pasigaw na sabi niya at hinahawakan pa talaga si Malyn animoy sinusuri ang kaibigan. 

"Sinabihan na kita noon pa Malyn na wag ka nang magkatol pa. Ayan tuloy. tsk tsk." pagsisingit din ni Rain at sinamahan pa ng tapik sa balikat. Pagkatpos nun ay uminom muli sa milk tea niya. 

"Nagsa'suggest nga lang tss. Edi mag-swimming nalang tayo." 

Nagroll eyes lang sa kanya si Scarlet at hindi magawang patulan pa. Nagtataka ba kayo kung bakit ganyan nalang ang kanilang turan sa kanilang pinuno? Oh well, pagdating sa seryosong bagay ay seryoso talaga pero kung girl bonding lang naman ang iyong tinutukoy, aba dude matibay ang friendship nila. Dahil, hindi nagtukod si Scarlet ng TBC para lang makipagbasag ulo kundi para narin magkaroon ng  kaibigan. At hindi niya akalain na napamahal na pala siya sa mga bitches na'to sobra sobra. 

"Hoy mga babaita, tutunganga lang ba tayo dito? Ano ng gagawin natin ngayon?" untag ni Ree sa lahat ng dahilan upang mapalingon ang kaibigan niya sa kanya. Nag-aabang siya ng isasagot ng mga kasamahan niya pero takte walang misking isang utot ang tumunog man lang para sagutin siya! 

Mga tamad mag-isip. Tss.

"Balita ko may bagong botique dito sa mall niyo Uno?" tanong ni Candice habang palinga-linga sa paligid. 

Umangat naman ang ulo ni Scarlet mula sa pagsisipsip ng mocha shake at saka binigyan si Candice ng isang clueless na mukha. "Oo ata?" 

Napahilamos naman sa mukha si Candice sa sagot ni Scarlet. Oh well, kilala na nila ang kanilang pinuno busy iyan sa ibang bagay pero ni isang sulyap ay hindi niya magawang kamustahin ang mga negosyo ng mga magulang nila na sa takdang panahon ay magiging sa kanya narin. Noong tinawagan siya ng kanyang daddy ay hindi na niya magawang sumulpot dahilan sa isang pangyayaring hindi nila lahat inaasahan, ang pagsulong ng kalaban sa mansion ng mga TBC. Pag-uwi nila sa kanilang mansyon ay agad siya sinalubong ng kanyang mabutihing ama ng mga panunumbat pero ang Scarlet na walang pakialam sa mga ganoong bagay ay hinayaan nalang niya magbingibingihan.

"Nasaan ang bagong botique dito Cand? Tara, at nang mabinyagan natin." sabik na anyaya ni Deynisse na isa pang mahilig sa girly stuff. Pumunta na siya sa gawi ni Candice at pinapatayo na ito sa kanyang inuupuan. "Dali na, gusto ko makita ang mga designs nila. Baka kasi mayroon nadin yan sa botique ko." 

"Hay akala ko pa naman bibili ka, yun pala mag-susurvey lang pala tss." biglang sagot ni Alex at sinamahan pa ito ng iling. 

"Hanggang ngayon parin ba Deynisse negosyo mo parin ang iniintindi mo? Grabe ka, pupunta ka ng bagong botique dito para tingnan ang designs? Isa lang ang masasabi ko sayo, isa kang CHEATER!" pagsisingit nadin ni Agnes sa usapan. Opo, tama po kayo ng narinig kung may isa pang pinagkakaablahan si Deynisse ito ay ang kanyang negosyo. Nagkaroon na itong limang branch dito sa rehiyon nila at fortunately ay naging successful naman ito. 

"Hoy! Grabe ka Agnes ha? Nakakasakit ka ng ego niyan." sagot naman ni Deynisse at napahawak nadin siya sa kanyang dibdib. 

"Talaga Deynisse my botique ka? Pwede bang humingi ng discount kung bibili ako doon?" sabi naman ni Ayra na parang hindi parin makapani-paniwala. Maganda din naman kasi mamostura itong si Deynisse at hindi magkailang na mahilig din siya sa mga damit. 

Gangster's Paradise (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora