Chapter 55 - A masochist's comfort

765 16 1
                                    

“Hoy!”

Napabalikwas si Dwane ng gulat ng bigla lamang siyang akbayan ni Brylle, habang naglalakad patungong library. Sinamaan niya ito ng tingin, ngunit tinawanan lamang siya ng kaibigan.

Napailing si Brylle, patuloy lamang sila sa paglalakad. Tinanguan niya iyong tumatawag sa pangalan niya. “Tulala ka, tapos mas naging matamlay ka na kesa noon? Ano? Pagkatapos ba nito malalaman ko nalang nagbigti kana?” biro niya sa kaibigan, sapagkat nag-aalala na siya dito dahil palagi nalang ito wala sa sarili. Gugulatin siya ni Brylle, babalik sa katinuan kalaunan babalik muli sa kanyang sariling mundo.

“Tss.” Tanging sagot ni Dwane, lumiko siya sa kaliwa upang salubungin ang library.

Sinundan siya ni Brylle. “Ano ba kasi’ng nangyari?” usisa niya dito.

Umiling lamang si Dwane at dumiretso doon sa counter section upang ibigay ang library I.d niya. Huminga ng malalim si Brylle, hindi niya maatim na makaraan ang isang buwan ay ganito na lamang ang kanyang naging trabaho niya sa kanyang kaibigan, ang taga-gising kapag nakatulog nanaman ito. “Ang sabi ko naman sa ‘yo diba, masama ang gumamit ng katol lalo na’t first timer ka pa.” pagbibiro ni Brylle, minatili niyang maging seryoso ang kanyang mukha, kahit gusto na niyang tumawa ng malakas. Napasinghap ng mahina ang librarian na naka-assign sa ngayong araw na ito, nanginginig niyang inabot ang kanyang kamay upang abutin ang I.d ni Dwane, ng nabagot na si Dwane, nilapag na lamang niya ang i.d at kumuha ng library card na nasa gilid atsaka lumihis sa counter section.

“Brylle! Baka maniwala sa ‘yo yung tao!” mahina niyang saway sabay lakad patungo sa Business section books.

Sumasakit na sa tiyan ang pagpipigil ng tawa ni Brylle, dahil sa reaksyon ng babae kanina. Nang mahishimasan na siya sa kakatawa, pinunasan niya muna ang mga maliliit na luha sa kanyang mata, pero hindi parin nawawala ang mga pagpipigil ng tawa dito. Sumunod na rin siya kay Dwane at kumuha rin ng Business book. “Kasi naman,” tumawa ulit siya ng mahina iyong tipong pinipigilan lamang niya ang kanyang tawa, “lutang ka e, akala ko nga kinareer mo na talaga yung advise ni Miki sa ‘yo.”

“Tss, ano nga yung assignment natin sa Business 401?” pag-iiba ng tanong ni Dwane. Pumunta siya sa pinakadulo ng mahabang mesa at doon pumwesto sa ulohan ng mesa.

Nakasunod si Brylle sa kanya. “Woah, ang Course Governor ng CBA department hindi alam ang assignment, wow bago yun a!”

Naningkit ang mga mata ni Dwane. “Brylle, nagtatanong ako.” Giit niya.

“Woah, atsaka marunong na rin siyang magalit. Nakakabago talaga.” Manghang saad ni Brylle, animoy nanonood siya ng mga amazing videos sa internet.

Huminga ng malalim si Dwane at hinilot ang magkabilang sentido niya. Alam niyang ginagawa ni Brylle ang lahat upang maibalik lamang siya dati. Palihim siyang nagpapasalamat doon, ngunit hindi niya pa rin maiiwasan na nasasaktan pa rin siya sa kanyang naging desisyon.

“Next week na ang graduation Dwane, marami ka pang mga projects at thesis na gagawin, kung ako sa ‘yo, gagawin ko nalang iyon at saka ko nalang iisipin ang problema ng pag-ibig.” Pag-aalok ni Brylle, hinaluan niya ng biro para hindi magmukhang desperado. Tama, isang linggo na lang at matatapos na ang buhay kolehiyo nila. Isang linggo na lang at haharap nanaman na sila ng panibagong buhay nila. Marami silang requirements kailangang tapusin, pero si Dwane nagmumukmok lamang sa isang tabi habang tahimik na nakatingin sa kawalan.

“Alam ko, gusto ko lang makabawi ngayon.” matamlay niyang sagot sa kaibigan.

Nilapag ni Brylle ang libro na hawak niya sa mahabang mesa at bumuntong hininga sa harap ni Dwane. “Mamaya na yan, tutulungan kita sa mga requirements mo. Tara sa CG bar muna tayo.” Aya niya sa kaibigan,

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now