Chapter 51 - We meet again

808 17 0
                                    

Nabaling ang tingin ni Scarlet kay Dwane na nasa kiliran lamang niya, nakakatitig lamang siya sa binata habang pinag-aaralan ang mga sinabi ni Dwane sa kanya kamakailan lang. Iniling niya ang kanyang ulo, sinasabing hindi magandang ideya ang paglapit niya sa binata lalo na ngayon na hindi pa humihilom ang puso ni Dwane, lalo na’t komplikado pa ang lahat. Umatras siya at hinarap ang pintuan palabas ng mansion, “Magpapahangin muna ako.” Matabang niyang paalam atsaka pumanhik na paalis sa lugar na iyon.

Kumirot ang puso niya ng marinig ang mabigat na buntong hininga ni Dwane mula sa kinatatayuan nito. Kinagat niya ang kanyang labi at pinilig ang ulo. Lumakad siya ng tuluyan, palabas ng kusina at napagdesisyonan na pumunta muna sa kwarto niya.

Mabilis na lakad ang kanyang ginawa habang nakayuko, may nakabangga siyang isa sa mga katulong na may hawak pang vacuum cleaner. Natumba ang katulong, huminto si Scarlet upang tulungan iyon at pinatayo. Humingi siya ng patawad na agad namang tinanggap ng katulong, pagkatapos nun ay dumiretso na siya sa loob ng kwarto niya.

Pagkapasok ng pagkapasok niya, agad niyang sinara ng maigi ang door knob at ni-lock iyon. Pumunta siya sa malambot niyang pink na kama, at marahang umupo doon. Nakatingin lamang siya sa picture frame nilang dalawa ni Dwane na nag-iisang nakasabit sa dingding, mga 10 years old pa sila dito may pizza at ice cream sa sahig habang nakayakap ang isang braso ni Dwane sa kanyang leeg at siya naman ay nakasimangot na nakatingin sa binata.

Natawa siya ng maalala niya ang araw na iyon. Sinasakal siya ni Dwane pero hindi naman mahigpit dahil sa gusto na niyang kumain at pilit siyang pinapangiti muna ni Dwane dahil kinukunan sila ng picture ng yaya ni Dwane, kaya nung pag-click sa camera nakasimangot si Scarlet habang nakatingin kay Dwane at si Dwane naman ay abot tainga ang ngiti nito.

“Tss.” At binagsak niya ang kanyang likod sa kama. Tumama ang ulo niya sa may malambot, sumalubong ang kilay niya at kinapa-kapa iyon. Nang makapa na niya, kinuha niya iyon mula sa ulohan niya at ngumiti si Scarlet ng malungkot ng makita niya kung ano ang nahawakan niya.

My boo, happy 12th birthday.” Masayang bati ni Dwane sa kanya.

“Nasaan na yung promise mo?” tanong naman ni Scarlet habang kumakain ng angel food cake.

“Ha? Iyon ba? Naubos kasi ang ipon ko. Kailangan kasi.” Malungkot na paliwanag ni Dwane, nakita niyang nagsimula ng mangilid ang luha ni Scarlet kaya naman nagsimula na siyang mag-alala sa kaibigan.

“My boo! Birthday ko ngayon, bakit sa lahat ng araw pa na pwede mong ibigay ang surprise mo ay dyan pa dumating ang kailangan mo na yan!”

“Kasi ano, uhm kapag hindi ko bilhin iyon baka bumagsak ako sa subject ko. Sorry na—“ panunuyo ni Dwane

“Sus! Wala na, sige makatulog na nga, may party mamaya sa bahay at ikaw nalang ang bahala humarap sa kanila!” pinutol ni Scarlet ang panunuyo ng binata at pinagpatuloy ang pagtatarayan niya.

“Hala, nagalit na siya sa akin.” Napakamot sa ulo si Dwane habang lumalapit kay Scarlet.

“Hmmp!” halukipkip ni Scarlet. “Huwag mo akong kausapin, hindi tayo bati!” dagdag pa niya,

“Hay, eto nanaman tayo.” Bulong ni Dwane. “Sige.” Bumuntong hininga si Dwane, “Pumunta ka muna sa kwarto mo, at puntahan mo nalang ako sa kwarto ko kapag gusto mo ng umuwi sa inyo.” Mahinang saad niya.

“Tss, mas importante kasi ang pag-aaral mo kesa sa best friend mo! Dyan ka na, talagang pupunta  ako ng kwarto at hinding-hindi ako lalabas!” sigaw ni Scarlet sabay takbo patungo sa hagdanan sa itaas.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now