Chapter 29 - You're Jealous, I knew it.

972 26 1
                                    

3rd Person’s POV

Nakatutok lang sa daan ang dalawang mata ni Zander, habang nagmamaneho. Seryoso lamang itong nakahawak sa manubela, at nakakunot ang noo. Maging ang pagkalma sa sarili niya ay hindi na niya magawa, dahil sa tuwing maalala niya ang kanyang nakita, sinasapian siya ng kaluluwang demonyo. Hindi pa nga lumipas ng isang araw ang kasalanan ni Scarlet sa kanya, ay heto nanaman, nadagdagan nanaman ng panibagong kasalanan. Nakaka-tangina lang!

Tulala namang nakatingin si Scarlet sa daan, naka-awang ang bibig nito, habang malayang umaagos luha sa kanyang makinis na pisnge. Ramdam niya ang mainit na likido, halatang kakagawa lang ng mga luha na ito at ngayon ang oras nila para lumabas. Alam niyang possibleng mahanap siya ngayon ni Zander, pero pinairal pa rin ang utak niya at naawa lamang siya sa kanyang matalik na kaibigan. Natatakot siyang magpaliwanag kay Zander, baka kasi, hindi siya pakinggan nito. Paano kung, matapos siyang magpaliwanag ay hindi pa rin ito maniwala sa kanya?

Maniniwala kaya siya, kaya lang niya ginawa iyon dahil naawa siya?

“Fuck!”

Napabalikwas ng upo si Scarlet ng makitang pinaghampas-hampas na ni Zander ang kanyang manubela. Huminto na pala ang kanilang sinasakyan pero hindi pa rin sila bumababa. Kada hampas ni Zander sa manubela, tumutunog din ang busina ng kotse. Mas lalo itong nagbibigay gulat sa tuwing ginagawa ni Zander.

Napakagat labi si Scarlet, at pumikit. Pinipigilan ang kanyang luha upang makapagsalita na siya, pero hayup ang mga luha na iyan. Ginagawa siyang kawawa ngayon. Bakit ayaw makisama ng mga ito? Please lang, gusto din niya ng makahinga ng maluwag.

Naramdaman nalang niya hinigit ang kanyang kamay at hinatak patungo sa hindi niya alam na lugar. Pakiramdam niya, lumilipad na siya ngayon dahil sa sobrang bilis ng kanilang paglalakad, hindi na niya magawang tapakin ang lupa. Nakayuko lang siya habang nagpapahatak siya kay Zander, hindi gaanong kahigpit ang pagkahawak sa pulsuhan niya, pero sapat na para mahatak siya ng pwersahan. Muntik pa siyang masubsub dahil sa malakas na pagbitaw ni Zander sa kanyang kamay. Sinuri niya saglit ang paligid, nanlaki ang mata niya kung saan siya dinala ni Zander ngayon.

Sa future house lang naman ni Zander.

Napatingin siya kay Zander na napaupo sa isang bakanteng silya habang nakapatong ang kanyang dalawang siko sa kanyang binti at inihilamos ang mukha sa kanyang palad. Humakbang siya ng isa papalapit sa binata, pero hindi pa siya makalapit doon, itinaas ni Zander ang kanyang isang kamay upang pahintuin siya. Wala sa loob siyang napatango, at nagsimula nanaman tumulo ang luha niya.

Pinapalayo na ba siya? Tapos na ba talaga?

“Ang sabi ko, hahanapin nalang kita dahil mag-uusap tayo! Fuck Scarlet! Hindi pa nga sumikat ang araw, pero gumawa ka nanaman muli ng panibago! Fuck you!”

Fuck you!

 

Para siyang hinagisan ng dart sa kanyang dibdib, at sa pagtira na iyon, hindi siya makahinga. Alam niyang, normal lang na magmura si Zander, pero sa mga oras na ganito, nasasaktan siya, unti-unting pinipiga ang kanyang puso hanggang sa malagutan siya ng hininga. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak nalang at tanggapin ang lahat ng maanghang na salita, galing sa kanya.

Gangster's Paradise (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ