Chapter 56 - Blackmailed

670 16 0
                                    

“Sir, inspection lang po.” Magalang na hiling ng isang security guard sa Briones Corporation.

Papunta na sa loob si Zander ng tawagin siya ng guard na nakabantay sa gilid ng malaking salamin na pintuan. Walang gana niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay, agad naman siya sinuri ng guard.

Kinapa ang likod ni Zander, pababa sa likod ng tuhod, bumalik ang kamay ng guard, doon sa likod bulsa ni Zander at kumunot ang noo nito. Sinubukan niyang kunin ang baril na nahipuan niya, ng mas mabilis namang kinuha iyon ni Zander at agad itinutok sa guard. “Subukan mong magsumbong, babalikan kita dito at sisiguraduhing patay ka na.” bawat salita ni Zander ay katumbas din ng nakakakilabot na boses, animoy hindi talaga ito nagbibiro sa kanyang banta.

Nagsiunahan ang mga pawis ng guard, maputla ito habang nakatingin sa mukha ni Zander. Hindi agad sila makikita ng kahit sino sa malayo dahil nakatalikod si Zander habang nakatutok ang baril sa gilid ng leeg nito, nakaluhod pa rin ang guard sa tiles. Mabilis itong tumango, na ikina ngisi naman ni Zander.

Ibinalik niya ang kanyang baril sa likod ng bulsa niya atsaka tinapik ang ulo ng guard na parang aso. “Good.” Huling saad niya atsaka lumihis patungo sa loob.

Pagpasok ni Zander, tinahak niya ang front desk, nakangiting malapad ang babae na mayroong dalawang dipa ang kapal ng kanyang make-up ng makita si Zander papunta sa gawi niya, agad din naman nawala ang kanyang malapad na ngiti at lumunok ng mabigat ng makita ang masamang titig ni Zander.

“Yes sir good afternoon, welcome to Brio—“

“Where is the office of Mr. Anthon Briones, the CEO?” hindi pinapatapos ni Zander ang bati ng receptionist, wala siyang panahon para sa mga ganyan, nandito siya upang liwanagin ang lahat.

Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang receptionist ang buo na boses ni Zander, hindi na niya magawang titigan pa muli si Zander paniguradong matutumba siya sa takot. Nanginginig niyang kinuha ang Record Book niya atsaka nilapag iyon sa mahabang gray counter na nakatabon halos kalahati ng katawan niya. Lumunok siya muli ng mapansin niyang kumunot ang noo ni Zander sa kanyang nilapag. “Ah sir, you need to sign this before you can go to the respecti—“

Hinampas ni Zander ang counter na namamagitan sa kanilang dalawa, may iilang tao na nandoon sa ground floor ang napahinto dahil sa ginawa ni Zander. Napapikit sa takot ang receptionist sa inasal ni Zander. “What the fuck bitch! I am not here just to sign that fucking notebook! I am here to see Mr. Anthon Briones, my time is precious so don’t fucking waste it!” sigaw niya doon sa receptionist, natakot naman ang nakasaksi sa ginawa ni Zander, agad naman pinunas ng receptionist ang kanyang luha at saka hinarap ang mainit na ulo ni Zander.

“S-sir, it’s on the 30th floor—“

Hindi pa muli natapos ang sasabihin ng receptionist ng agad namang lumakad patungo sa isa mga elevator, agad namang nagsihiwalay ang mga empleyado ng makita si Zander. May iilan pa ang nagbubulungan at may iba ring pinuntahan ag receptionist upang makiusisa.

Mabilis na hakbang ang ginawa ni Zander upang makarating agad sa office ng CEO. Palinga-linga siya sa paligid habang hinahanap ang opisina ni Mr. Briones. May iilang pang nakatingin sa kanya habang naglalakad, sinusuklian naman niya iyon ng masamang titig, agad namang yuyuko ang kanyang nakasalubong at lilihis paalis sa kanya.

Pinasok ni Zander ang opisina, kung saan malaki ang nakaukit sa itim na pintuan, iba ito sa lahat ng pintuan na nakita niya sa mga opisina dito, sa mga empleyado ay kulay puti habang sa CEO naman ay kulay itim. Walang pasabi, pinihit niya ang door knob at pumasok.

Agad naman siya sinalubong ng isang lalaking sekretarya.

“Excuse me sir, what can I do for—“

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon