Chapter 16 - Round 1 (Part 2)

1.2K 35 5
                                    

3rd Person’s POV

“Uno! Uno! Uno!”

Hiyawan ng lahat, matapos kalabanin nila ang grupong Musical Armor, at talunin din ang leader sa ganoong stunt. Tumayo na si Uno, at nilingon ang kanyang kasamahan. Sinenyasan niya ang mga ito, kaya bumaba na rin sila. Unang bumaba ang mga kasamahan ni Uno, habang siya ay nasa likuran lamang nila ito. Malalim ang iniisip.

“Woah! Grabe yun a? Ang galing talaga ng leader nila, nakakatakot kaya ang ganoong stunt.” Manghang pagkasabi ni Griff, ng matapos na ang labanan.

“Yeah, pati rin naman yung mga members niya. Pero nung nakikipaglaban sila, para itong cat fight. Babae na babae e..” pagsesegunda rin ni Gray sa kanyang kapatid.

“Tanga, anong gusto mo? Sapakan? Malamang buhok ang lagi nilang puntirya dahil iyon ang unang mahahawakan nila, hindi tulad nating mga lalaki..” si George na prente lamang nakaupo.

“Oo nga, hay Gray. Pero yung ginawa ni Uno kanina, isa yun sa mga deadly moves na nabasa ko sa google, kita ninyo naman diba? Kahit nasa balikat lang siya ni Bea kanina, pero kung titigan mo ito sa malapitan, nasa leeg pala ang target niya. At pasimple niya itong baliin..” Si Griff na ikinanganga ng lahat,

“Seryoso?” sabay na sabi ni George at Gray.

“Yup, once baliin ang leeg mo, may possibility na mawala ka sa wisyo mo dahil sa pangangalay at pagkahilo. At kung tinamaan din niya ang batok nito, wala siguradong malalagutan ng hininga si Bea, kaya maingat na ginawa ni Uno iyon, kaya kahit papaano ay madali lang ang recovery nito, tumambling siya para bumaba at siniko ito sa likod, para matumba na siya. Ang mga ganitong moves ay medyo delikado, kasi kung hindi ka marunong sa timing, mapapatay mo ng ‘di oras ang kalaban..” Si Ice na naki-singit na rin ang usapan sa magkakapatid. Tumango naman ang dalawa at hindi na muling nagsalita pa.  

“Zander..” tawag ni Zach sa kapatid, kaya pati ang kagrupo niya nakatingin din sa kanya.

“Magpapahangin lang ako..” matipid niyang sabi sabay lagay ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bulsa.

“Uno, hindi ka pa ba susunod sa amin?” tanong ni Rain ng makitang nasa gilid pa rin ito ng ring side.

Blangko lamang nakatingin ang dalaga kay Rain, ramdam mo ang malamig niyang aura sa kanyang sarili. “Susunod lang ako..” matipid niyang pagkasabi kaya tumango naman sina Rain dito, nilingon niya si Ayra na panay pa rin ang tingin sa kanya. “Sumunod ka na sa kanila..” turan niya kay Ayra, pero kinunotan lamang siya ng noo nito.

“Uno, hindi ako sanay na gan—“

“Umuna ka na, magpapahangin lang ako..” pinutol na niya ang sasabihin ni Ayra para sa kanya, tumalikod na siya dito at pumunta doon sa likod ng bleachers, at hinanap ang payapa na lugar.

Pinili ni Uno ang hindi medyo liblib na lugar, parte pa rin ito ng Devoid Combater’s Ground na nasa pinakadulo na ng lugar. Hindi ito medyo napapansin ng mga tao, dahil sa tuwing nasa DCG sila, diretso agad sila sa mga bleachers at wala ng balak pang maglibut. May ilan pang mga kahoy na nasa gilid lang pati na rin mga tirang bubong at metal na nasa gilid lang ng lugar na ito. Doon pinili ni Uno na magpahangin at makapag-isip ng mga bagay bagay.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now