Chapter 52 - My vow

718 20 1
                                    

Mabigat ang pakiramdam ni Zander ng maalimpungatan siya ng gising. Gusto niyang gumalaw at bumangon mula sa kanyang hinihigaan, pero hindi niya magawa. Mahina niyang ibinuka ang kanyang mabibigat na mata, napapikit siya sa ng may tumamang maliwanag sa kanyang pagmulat.

Sinubukan niya muling imulat ang kanyang mata, kumunot ang kanyang noo ng mapansing, puti ang kisame nito at ibang-iba sa kanyang kwarto. Bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo, napadaing siya sa hindi inasahang kirot mula sa kanyang mukha. Napaangat din ng ulo si Scarlet ng makarinig siya ng daing.

“Bam, thank god, gumising ka na.” masayang bungad ni Scarlet ng makitang nakatingin lamang si Zander sa kanya habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi niya. Tumayo agad si Scarlet upang suriin ng maigi ang binata.

“Bakit ako nandito?” nagtatakang tanong ni Zander sa kanyang nobya, bumaba ang tingin ni Zander, iniangat niya ang kanyang isang braso kung saan nabalot ang kanyang kamao hanggang siko ng elastic bandage. “Ikaw nagdala sa akin dito?” dagdag pa niya sa kanyang katanungan.

Bumagsak ang mukha ni Scarlet sa sahig, sa mga tanong ni Zander sa kanya. May kung anong kirot siyang naramdaman sa tanong ni Zander sa kanya, pero naiintindihan niya ang binata. Mahina siyang umupo muli sa isang silya na katabi lamang sa kama ni Zander, bumuntong hininga siya habang hindi tinatanggal ang paningin sa kanyang nobyo.

“Nawalan ka ng malay kanina sa parking lot,” pagpapaliwanag niya nakita niyang nanlaki ang mata ni Zander sa kanyang sinabi, animoy hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi, pinaikutan niya ito ng mata atsaka iritang tumango, “ako ang nagdala sa ‘yo dito, gamit ang kotse mo.” Dagdag pa niya.

Katahimikan ang nagdiwang sa kanilang dalawa. Nakatingin lamang si Zander kay Scarlet habang iniisip ang lahat ng nangyari kanina sa parking lot, nakaramdam muli siya ng pangingilaiti ng maalala muli ang kanyang nakita kanina, bahagyang niyuko ni Scarlet ang kanyang ulo ng mapansin ang masamang titig ni Zander sa kanya. Hindi pa naayos ang issue na iyon, at alam niya na pag-uusapan nila ang mga bagay na ito. Kinagat na lamang ni Scarlet ang kanyang ibabang labi, habang hinihintay ang sasabihin ni Zander.

“Don’t bite your lip, bam.”

Napaangat ng ulo si Scarlet sa kanyang narinig, laglag ang kanyang panga sa sahig at binigyan si Zander ng isang karantaduhang tingin.

Tumango si Zander at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. “Ayokong makita na kumakagat ka sa labi mo, dahil nawawala lahat ang galit ko sa ‘yo at gusto ko nalang ay halikan kita.”

Mas lalong lumaglag ang panga ni Scarlet sa rebelasyon ni Zander sa kanya. Ni kurap ay hindi na niya magawa, nakatingin lamang siya sa kanyang nobyo na nakatingin sa kanyang paanan habang sinasabi niya iyon. She cleared her throat and blinks her eyes rapidly.

“Nawawala ang konsentrasyon ko sa galit, kaya please lang huwag mong kagatin ang labi mo.”

Huminga ng malalim si Scarlet, at hinawakan ang binata sa buhok, marahan itong hinihimas. “Sorry.” Tipid niyang saad, bumaba ang tingin ni Scarlet at doon lamang niya naalala na may itatanong pala siya sa binata. “Napano yung kamao mo? Pati side mirror mo sa kotse, nasira. Naaksidente ka ba?”

Binaling ni Zander ang kanyang tingin sa dalaga, pag-aalala ang kanyang nababasa mga mata ng dalaga. Napangiti siya sa kanyang isipan ng malaman na nag-aalala sa kanya ang kanyang mahal. Ngumuso siya habang iniisip ang magandang palusot ngayon.

“Huwag kang ngumuso Zander please.”

Napataas ng kilay si Zander sa sinabi ni Scarlet sa kanya. “What’s wrong when pouting?” nagtatakang tanong niya.

“Yun nga e, ngayon ko lang yan nakita at ang cute mong tingnan. Nakakalimutan ko yung mga kasunod kong itatanong sa ‘yo. Please, don’t do it again, it kills me.”

Gangster's Paradise (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin