Chapter 45 - Weeksary

844 25 0
                                    

“Ang tagal naman ng babaeng iyon!” iritableng saad ni Zander, kanina pa siyang naghihintay kay Scarlet sa may hallway. Hindi masydong malapit sa room nito pero sakto lamang makita mo ang paglabas ng mga tao mula sa room ni Scarlet. Kinuha niya ang isang stick ng sigarilyo at kinuha rin ang lighter. Sinindihan niya ito, napatigil siya sa paghithit dahil may professor na naka-tingin sa kanya. Inalukan niya ito, napailing na parang nadismaya ang professor sa kanyang nakita, atsaka umalis.

Alam niyang bawal ang manigarilyo, pero wala siyang pakialam. Ang HYU ay isa sa mga elite college, at tungkulin din nila na bigyan ng magandang asal ang bawat estudyante. Oh well, he’s the king of this school and no one will break it, until he said so.

Nakailang hithit na siya ng sigarilyo at nakakuha muli ng panibago pero wala pa ring Scarlet ang lumuwa sa kwartong iyon. Halos mapudpud ang kuko niya sa screen sa kakalaro ng flappy bird sa cellphone niya na hanggang ngayon ay nakalampas lamang sa limang tubo.

“That’s it! I’ve waited here for too fucki’n long!” singhal niya, sabay dial sa cellphone na hawak niya at tinawagan si Scarlet. “Fuck, at may gana pa siyang hindi sagutin ang tawag ko!” inis niyang saad sabay punta sa silid-aralan ni Scarlet. Nasa bibig lang niya ang sigarilyo habang naglalakad papunta doon.

“So class, being in a business you need to manage your time. That is why, we had our subject management. Remember, as a successful businessman, you need to rest and relax. So for our lesson today, it tackles about Management but this is not about you and your needs, rather it’s the Business and their needs. I want you to—“

“Hoy babae! Kanina pa ako naghihintay sa ‘yo sa labas, alam mong ayokong pinaghihintay ako ng matagal.” Nanlilisik na tiningnan niya si Scarlet na nasa ikalawang row na nasa likod nakaupo. Nakalumbaba ito habang inaantok na nakikinig sa professor nila. Walang pasabing pumasok si Zander sa kalagitnaan ng klase atsaka kinuha ang bag ng dalaga. Napaangat naman si Scarlet sa kanyang nakita, nanlaki ang mata niya at agad nawala ang antok na nararamdaman ng makita niya ang halos maluwang mata ni Zander na nakatingin sa kanya. Hindi siya makapagsalita, nasa kalagitnaan pa rin siya ng pagkagulat. Naramdaman nalang niya na hinigit ang isang braso upang makatayo. “Labas!” sigaw pa ni Zander sa mismong mukha pa niya.

“Mr. Lee, you are interrupting my class. Do you ever heard about ‘Good Manners’?” the teacher asking in a professional tone, having air-quoting the ‘good manners’ while crossing her arms under her chest.

Tahimik ang buong klase, at nakatingin lamang sa likod kung saan nandoon si Scarlet at Zander na hilang-hila ng binata ang dalaga. Hindi na sila nagtaka, pero ito ang kauna-unahang nangyari sa loob ng klase na bigla lamang siyang papasok animoy walang guro ang nagtuturo sa harapan.

May iba pang mahinang tumitili ng makita nila si Zander, at may iba pang kinuha ang foundation at lip gloss at sinimulang pagandahin ang sarili. Iyong mga lalaki naman, panay ng singhal ng mahina dahil sa kabalastugang ginawa ni Zander ngayon.

Inaantok na nakatingin si Zander sa guro ni Scarlet. Kinuha niya muna ang sigarilyo sa kanyang bibig at binuga ang usok. “Your class is quiet boring, why don’t you take a rest…” napatigil si Zander sa kanyang sasabihin at sinuri ang mga mag-aaral, wala siyang masyadong makikitang may hawak na libro pwera lamang sa mga interesado. “Forever?” pilyong tanong niya sabay ngisi bago hinigit ang kamay ni Scarlet paalis.

Rinig ni Zander ang pagtawag sa kanyang pangalan, pero patuloy lamang siya sa paghihigit ni Scarlet papuntang parking lot.

“Hoy! Medyo hindi ko gusto ang ginawa mo kanina!” singit ni Scarlet ng makawala na siya sa kamay ni Zander nasa hallway pa sila at may ilan ding mga estudyante na papunta sa kanilang direksyon.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon