Chapter 24 - School Festival (Part 2)

1K 26 4
                                    

3rd Person’s POV

“Tawagin mo ang mga kumag doon sa mansion, at papuntahin mo dito. Nandito si Young G, at malakas ang kutob ko na nandito ang lahat ng Negative Cinco..” mabilis na utos ni Zander at agad pinatay ang tawag at nilagay muli sa bulsa. Agad niya pinuntahan si Scarlet, para pakalmahin muna. Maging siya, hindi niya ito inasahan. Lalo na’t nakita niya ang pag-ngisi ni Young G, noong nagtama ang mga mata nila ni Scarlet.

“Scarlet..” tawag niya sa dalaga, akmang hahawakan ito sa balikat.

Nabalik naman sa diwa si Scarlet, at agad nilingon si Zander. “I’m fine,” sagot naman niya at binaling ang tingin kay Dwane. Gaya ng kanyang nakasanayan, kalma pa rin ang kanyang aura, at maaliwas tingnan. Malakas ang kutob niya na nag-aalala na ito ngayon sa kanya, at malamang alam na nito kung ano ang nangyayari. “Kailangan kitang itago muna my boo. This place isn’t safe, now..” aniya sabay hatak sa pulsuhan nito.

Pero natigilan naman siya ng hindi man lang itong nag-atubuling maglakad, nakatayo pa rin ito at walang kibo. “My boo, do you hear me? Don’t you?”

“I’m not leaving here. I’ll back you up..” matapang na saad ni Dwane, at nakarinig siya ng tawang pang-aasar mula kay Zander.

“Hindi ito, habul-habulan, Dwane. Baka hikain ka nanaman. Sayang ang buhay mo..” pang-aasar ni Zander, na ikinakuyom ni Dwane ng palad.

“My boo, just trust me on this. Ayoko lang mapahamak ka, please..” sinubukang suyuin muli ni Scarlet ang matalik na kaibigan, pero kita niya ito sa mga mata na kung gaano ka-desidido si Dwane ngayon. Hindi ordinaryong labanan ang magaganap ngayon, kung hindi sila kikilos ngayon, madadamay ang University nila. Tiningnan niya saglit si Young G sa stage, maging ang paligid, wala pa siyang nakikita na kung ano, pero, sigurado siya na mayroon ng naka-abang sa kanila ngayon. “Isa, kung magmamatigas ka pa rin, wala na akong magagawa kundi, gagawin ko ang planong ito..” banta niya ulit sa binata, bakit parang ang mga ganyang titig ay nakita niya noon pa? Bakit parang pamilyar sa kanya ang mga ganito?

“Lilibutin ko lang ang campus..” pagpaalam ni Zander kay Scarlet, tinanguan lang ito ng dalaga at saka binalik ang tingin kay Dwane.

“I am not joking..” may halong pagtitimpi na ang tono ni Scarlet sa kanyang pananalita ngayon. Ang kulit ni Dwane, ayaw pa rin magpaatinag, nanatili lamang itong walang kibo. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha?” singhal niya sa binata.

“I just want to help you, and make you safe..” mabilis na sagot ni Dwane, at kung titigan mo ito ngayon, talagang desidido siya sa kanyang binitawang salita.

Umiling si Scarlet kay Dwane. Nag-alala na siya ngayon sa kanyang kaibigan. Hindi siya dapat madamay pa sa ganitong bagay, not his Dwane. “I told you once, my boo, that I’m going to save you, no matter what, that’s why I’m doing this. I will be alright, I promise. Do you trust me? Don’t you?”

“Yes, but..” He trailed off, what now? He’s also damn worried, if something bad happened to her precious one. “I’ll be the one, who will do that, instead..”

Nakaramdam naman ng saya si Scarlet sa kanyang damdamin. Si Dwane ay Dwane talaga, hindi na talaga mawawala sa kanyang katawan ang pagiging maalahanin. Siya iyong tipong, lalaking, hahangaan at magugustuhan mo ‘di dahil sa hitsura niya, kundi sa sino siya. Ngumiti lang siya ng sensiro sa binata, wala na siyang magagawa kundi—

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now