Chapter 18 - Sean Hiro Briones

1.1K 30 1
                                    

3rd Person’s POV

Halos marindi na sila Rain sa hiyaw ng mga tao sa loob ng DCG. Kababalik lamang nila galing sa mini clinic ng GP. Ginamot lang ang kanilang maliit na galos at bumalik na sila agad sa pwesto nila. Medyo nangangalay din ang kanilang katawan, dahil sa matinding labanan na iyon.

Umupo na si Rain katabi ni Agnes. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa mga tao. Hindi pa rin tumitigil ang hiyawan, kahit wala ng tao sa loob ng ring side. “Sino ba ang nanalo? Ba’t parang nagpasabog ng grasya dito sa loob?” tanong niya kay Agnes.

“DSG, kalaban nila ang Cold Warriors.” Kaswal niyang sagot pero nasa unahan lang ang tingin niya. Binaling niya ang tingin kay Rain, at halos tumalsik ang laway niya sa kakapigil ng tawa. “Fuck Rain! Anong hitsura niyan? You look, effin’ wasted! Pft.”

Sinapak niya si Agnes na panay pa rin ng tawa sa kanya. Nakabenda kasi ang buong mukha niya, dahil namamaga ito ngayon sa sakit. Pati na rin ang left arm niya ay nakabenda na rin dahil sa nabalian siya doon. Umupo nalang siya ng tuwid  at hindi nalang pinansin si Agnes na walang humpay sa kakatawa.

“Teka, bakit hindi ninyo kasama si Uno?”

Binigyan lamang ni Ayra si Elli ng isang malungkot na ngiti. Kumunot ang noo niya dahil pakiramdam niya ay may mali. Walang sumagot sa tanong niya, okay? Dedma lang siya.

“Magpapahangin lang daw muna siya..” matabang sagot ni Ayra, halos hindi siya makagalaw sa kanyang mga benda ngayon, lalo na ang kanyang binti kung saan iyon ang puntirya ng kanyang kalaban at halos ikinahiyaw niya. Hindi niya maisandal ang kanyang likod sa sandalan dahil masakit din ito. Para siyang robot ngayon kung nakaupo, tuwid lang talaga.

“Pansin ko lang, naging malamig siya sa atin, and oh, iyong nakasalubong natin ang Tres Malditos kanina. Nagtitigan lamang sila ni Zander, halos pareho sila ng turingan. Ang cold ng dating..” segunda ni Candice ng matandaan niya ang kanina. Nakahalata siya na parang may, something sa leader nila.

“Don’t tell me. May something sa kanila?” si Alex na napatakip na talaga sa kanyang bibig. “Baka si Zander ang kanyang bestfriend?” dagdag pa niya, nabaling ang atensyon ng kanyang kasamahan sa kanya.

“Damn! Bakit hindi ko naisip, iyon? Pwede rin. Pero, diba? Matagal ng nag-iinitan sila dito sa GP? I mean, galit si Uno kay Zander dahil lagi itong top 2 at tayo nasa top 3 pa rin tayo sa rankings. So how come na magbestfriend sila, behind this?” segunda ni Ree.

“Baka, palabas lang ang lahat?  Pwede rin iyon?” puna ni Agnes.

Tahimik lang si Eli, at nakikinig lamang sa mga kaibigan niya. Inaalisa niya ang lahat, simula noong pumasok sila dito sa GP, hanggang sa nakilala ang grupo nila. At kung paano katalim ang titig ni Zander, habang nakatingin kay Scarlet noon. Pero kung oobserbahan lamang niya ay si Scarlet, at kung ito lamang ang  bibigyan niya ng batay, ay marahil palabas lamang ito. Looking at Zander, halatang may galit siya kay Scarlet.

Pero, bakit ganoon ang kanilang turingan? Bakit kailangan nilang magpanggap?

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now