Chapter 33 - The Vault

967 18 1
                                    

3rd Person’s POV

Tumango lang siya sa emcee at bumaba na ng ring. May inanunsyo ang emcee pero hindi niya iyon maintidihan dahil okupado ang kanyang isipan. Tama ba ang naging desisyon niya? Paaano kung sasabihin niya kina Joddy na babawiin niya ang kanyang sinabi kanina?

Nakababa na siya ng stage, pero ang ulo niya ay nakayuko lamang habang naglalakad. Animoy isa siyang bigo kung makalakad ngayon, daig pa ang pagong sa hina ng lakad niya. Wala sa sarili niya kinuha ang cellphone at hinanap sa thread ang mga palitan ng mensahe nila. Huminga siya ng malalim atsaka nagsimula ng magtype.

To: Bad Boy ♥

Are you alright?

Hindi na siya nasurpresa kung madali lang itong makareply sa kanya ngayon. Medyo nasanay na rin siya.

From: Bad Boy ♥

Perfectly fine. Tinawag kana ba? Kamusta ang laban mo? Nasugatan ka ba? Huwag kang magsinungaling!

Medyo natawa naman siya sa naging reply ni Zander. Sa mga sandali na iyon, tinangay muna ng hangin ang kanyang malalim na pag-iisip.

To: Bad Boy ♥

I won by default. Lucky me. :D

Medyo matagal bago pa nakareply muli si Zander, marahil alam na niya kung saan papunta ang ganitong usapan. Ilalagay na sana niya ang kanyang cellphone ng nag-vibrate ito.

From: Bad Boy ♥

I guess, see you on finals? :(

Biglang nangilid ang kanyang luha sa kanyang mata at kinagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang pagbagsak.

To: Bad Boy ♥

I can’t beat you. :(

From: Bad Boy ♥

But you have to. Scarlet, I told you that I am not serious with this. Just treat this, like our bonding. Got it?

To: Bad Boy ♥

Hindi madali sa akin ang ganito, Zander. Ugh! Hintayin nalang natin ang panahon na iyan. :/ Btw, nasaan ka?

From: Bad Boy ♥

Clinic. Pwede na ba tayong magkita?

To: Bad Boy ♥

Text you later, may gagawin pa ako. Uwi ka agad ha?

Agad niyang nilagay muli ang cellphone atsaka kinalma ang sarili. Tumingin-tingin siya sa paligid, nahagip ng mata niya ang mata ni Zach na nakatingin sa kanya. Tinanguan lang niya ito at ningisihan naman siya ni Zach bilang sagot. Nagsimula ng bumaba ang mga tao mula sa bench, tapos na pala ang labanan, mabilis niyang tinungo ang gate upang makalabas agad siya.

Halos patakbo na ang kanyang ginawa upang makalabas agad. May iba pa na nagtutulakan, sinamaan niya ito ng mga tingin. Napayuko naman sila at agad nahawi ang daan.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now