Chapter 28 - He Pleaded

1K 24 1
                                    

3rd Person’s POV

Inihiga ni Scarlet si Dwane, sa kama ng makarating sila sa condo ng binata. Dali-dali siyang pumunta sa switch upang mabuksan ang ilaw. Pagkatapos nun, pumunta siya sa kusina upang kumuha ng planggana at bimpo. Inilapag muna ni Scarlet ang planggana na may maaligamgam na tubig sa dining table at saka naupo sa bakanteng upuan.

Napapikit siya at napasuklay sa buhok gamit ang daliri niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at binuksan iyon. Bumuntong hininga siya at muling binalik ang cellphone sa kanyang bulsa. “Hindi ka pa rin nagtext. Ugh, kainis!” inis niyang sambit sa kawalan. Sumimangot naman siyang pumasok muli sa kwarto ni Dwane, habang dala ang planggana na may maaligamgam na tubig at bimpo.

Nilapag muna ni Scarlet ang kanyang dala sa may side table at umupo sa kama ni Dwane, kung saan mahimbing itong natutulog. Nag-sign of the cross muna siya bago niya gawin ang gagawin niya kay Dwane. Huminga siya ng malalim atsaka lumapit pa ng konti kay Dwane. “Scarlet, huwag kang lalandi ha? Isipin mo nalang na isa itong Barbie doll.” Pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili, at sinimulang tanggalin ang butones ni Dwane.

Dahan-dahan niyang hinila paitaas ang isang braso ni Dwane at marahan niyang tinanggal ang polo nito. Ganun din sa kabila. Sunod niyang kinuha ang sando nito sa loob at hinubad iyon ng walang pag-alinlangan. Pagkurap muli niya, tumambad nanaman ang mala-adonis na katawan ni Dwane.

Mahina siyang napasinghap at nagsimula ng manginig ang kanyang dalawang kamay. Pakiramdam niya, isa itong malaking kasalanan kung ma-dampi man lang ang kanyang balat sa matikas na dibdib ni Dwane. “Scarlet, ano ba? Isa nga itong Barbie doll!” singhal niya sa sarili at kinuha ang bimpo mula sa planggana at piniga iyon ng maigi.

Pinunas niya una ang leeg nito, pababa sa makinis nitong balikat, at hanggang sa umabot ang bimpo niya doon sa dibdib ni Dwane at lumakbay pa talaga sa walong pandesal na nakabalandara sa katawan nito.

Nanginginig niyang pinunasan ang bawat parte ng katawan ni Dwane. Oh heaven, it’s like she’s wiping a bachelor’s sexy body. Pumikit muna si Scarlet atsaka umiling para mawala ang kahalayan niya sa kanyang isipan. Binabad niya saglit ang bimpo sa planggana at piniga mula iyon ng mabuti. Pinunasan niya maaliwas na mukha nito at doon lang niya nakita ang magkabilang pasa ni Dwane sa gilid ng labi nito.

Naawa siya sa kaibigan dahil wala siyang kalaban-laban kay Zander. Hindi basagulero si Dwane at palagi lamang ito nasa condo matapos ang klase. Pwera lang kung yayain niya itong lumabas. Iyon lang talaga ang ruta niya araw-araw, at isa pa isang desenteng tao si Dwane, bukod sa pagiging mabait niya sa lahat, marunong itong tumanaw ng respeto.

Nasa kanya na ang lahat ng babaeng pinapangarap ng lahat, pero ni-isa man lang doon, walang nakitang kakaibang tingin si Dwane kundi nasa isang babae lang. Tsk, komplikado na nga ang buhay dadagdag pa ang pag-ibig na yan.

Nahinto si Scarlet sa pagpupunas ng biglang umungol si Dwane at mahina itong kumilos ngayon. Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi na ito kumilos at pumikit lang ito. Akmang pupunasan niya muli ang pasa ni Dwane ng makaramdam siya ng may pumigil sa kanyang isang kamay.

Nagtama ang kanilang mata, bahagya pang bumilog ang mata ni Scarlet at miski anong salita mula sa bibig niya ay hindi niya mailabas. Ngumiti lang ng malumay si Dwane at saka marahan na bumangon. “K-kaya mo ba?” nag-alalang tanong ni Scarlet.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now