Chapter 11 - Her Mysterious Bestfriend

1.5K 37 28
                                    

3rd Person’s POV

Mabilis pinaandar ni Scarlet ang kanyang motorbike patungo sa condo muli ni Dwane. Nag-aalala rin siya sa kaibigan niya. Pagdating kasi sa condo, hindi sinadyang nahawakan niya ang leeg nito, at doon niya nalaman na nilalagnat na pala ito dahil sa hindi normal na init. Tumakas lamang siya sandali dahil tumawag si Elli sa kanya. Pero mas lalo lang itong nawalan ng gana sa lahat ng bagay dahil sa balita na inihatid nila.

Pinark niya ang motorbike sa parking lot at mabilis tinungo ang condo unit ni Dwane. Nahirapan pa siyang makapunta agad sa condo unit ni Dwane dahil maraming tao ang nakisabay sa kanya sa elevator. Naiinip pa siya sa bagal ng andar ng elevator ngayon, kung kailann pa siya nagmamadali. Nanadya talaga!

Bago siya pumasok sa loob, tumingin muna siya sa kanyang cellphone. Napatampal naman siya sa kanyang noo ng maalala niya na nasa States pala ngayon ang kanyang ama. Nakahinga naman siya ng maayos ng maalala niya ito.

Pipindot na sana siya sa code number sa pad ni Dwane ng mag-vibrate ang kanyang cellphone. Napa-roll eyes naman siya dahil kung kailan siya maraming iniisip ay may dadagdag pa. “Hello Mom..” magalang niyang sagot sa kabilang linya, alam niya sa sarili na pagod siya. Pero, kung usapang mag-ina na, hindi na niya iyon palalampasin pa. She really loves her mother, purely it is. Kung gaano niya kina-ayaw ang kanyang ama ay kabaliktaran naman iyon sa kanyang ina. Ang ina na ata niya ang pinaka-the best mommy sa whole universe na nakilala niya.

“Nak, where are you? It’s 8 o’clock in the evening, have you eaten your dinner?” malambing na tono ng kanyang ina mula sa kabilang linya.

“Mom, nandito lang po ako sa condo ni Dwane, may sakit po siya kaya kailangan ko muna siyang bantayan. Uuwi ako mamaya, and oh, sleep well okay? Ayokong hinihintay mo nanaman ako. Kaya ko na ang sarili ko mom..” sagot naman ni Scarlet habang nakapindot din sa code number ni Dwane upang makapasok na.

Mabuti niyang sinara ang pintuan at tumungo siya sa kusina, habang nakikinig sa mga bilin ng mommy niya.

“Bye mom, I love you too..”

Matapos niyang magluto ng baked potato soup ay sinalin niya ito sa isang bowl at pumunta sa kwarto ni Dwane. Alam niyang kakainin ni Dwane ito kahit may sakit pa siya dahil paborito na paborito niya ang soup na ito, lalo na kung si Scarlet mismo ang magluto. Kumatok muna siya sa pintuan at saka pumasok. Nilagay niya muna ang baked potato soup sa side table at umupo sa gilid ng kama ni Dwane.

“My boo, gising. You have to eat first. Nagluto ako ng favorite mo.” Saad niya sabay tapik ng mahina sa balikat ni Dwane. Namula naman siya ng aksidente niyang mahawakan ang mapupusok na muscle ni Dwane. Napailing siya na parang ginagahasa niya ang kanyang sariling bestfriend sa kanyang isipan. “Tsk, naughty Scarlet.” Natatawang saad niya sa kanyang sarili.

“Hmmmm..”

Nabalik naman ang kanyang diwa ng marinig niya ang ungol ni Dwane, muli siyang lumingon dito at tinapik ng mahina. “My boo, gising muna para makainom ka na ng gamot mo.”

“Hmmmm..”

“Tsk, ayaw mo ha?” pwersahang minulat ni Scarlet ang mga mata ni Dwane ng dahilan upang mapabalikwas ng tayo ngayon ang binata. “Hah! Sabi ko na nga ba, ito nalang ang last chance ko para magising kita.” Proud pa niyang sabi na akala mo’y nakagawa ng isang bagay para sa kapakanan ng lahat.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now