Chapter 26 - Cold Dwane

1K 29 2
                                    

3rd Person’s POV

DSG Mansion, 8:00 am

“Nabalitaan ko na lumusob daw ang Negative Cinco doon sa University nina Zander at Uno..” pagsisimula ni Brown Lion, habang kumakain ng chips dito sa may couch nila.

Kumuha muna ng makain si Blue Lion sa center table, at nilantakan iyon. “Talaga? Aba matinde, dalawang kampo ang pinatumba niya pala..” mangha niyang sabi, bago uminom ng soda.

Umiling si Brown at uminom rin ng soda. Nilingon niya si Red Snake na tahimik lang sa isang tabi, habang nakikinig sa kanila. Kumuha siya tacos at inalukan ang dalaga. Pero tinaasan lang siya ng kilay ni Red Snake at inirapan. Binalik niya ang tacos sa center table at nakita niyang humagikhik si Blue sa isang tabi. “Sungit! Dyan ka nagkakamali, natalo nila ang Negative Cinco, dahil tinawagan agad ni Zander ang kanyang mga tauhan, maging si Scarlet din..” puna ni Brown Lion.

Kibit balikat namang tumango si Blue at saka kinuha ang cellphone niya. “Hindi na ako magtataka, pareho kasing mag-isip si Uno at Zander. Teka lang, bakit mo nalaman ang mga iyan?” usisa ni Blue, pero nasa screen lang siya nakatingin.

“Naman Blue! Bakit hindi kakalat iyan e, isa sila sa mga kinikilalang gangsters dito, at isa pa maingay sila kung lalaban, walang pinipiling panahon. Lalong lalo na si Zander kapag nagalit, balita ko nga—“ kumuha muli ng soda si Brown at saka ininom “Nakakatakot daw iyan pumatay, dahil brutal na brutal.”

Tumaas ang dalawang kilay ni Blue sa kanyang nalaman, hindi kasi nila nakikita pang pumapatay si Zander at ang ibang Tres Malditos, tanging sa DCG lang sila makakita. Sa bagay, hindi naman nila ito kilala, at kalaban ang turing nito sa kanila kahit nasa iisang side lang sila. “Sino kaya ang mas malakas kina Black Cat ano?”

Tumikhim muna si Brown at saka nilingon si Blue sa may gilid lang niya. “Of course, it’s Black Cat. As far as I knew, we’re on the top 1 among of the 10 gangsters that belongs to GP, next is that Zander and followed by Uno..”

Sinamaan ni Brown Lion ng tingin si Red Snake dahil siya ang nagsalita imbes na siya ang sasagot sa tanong ni Blue, narinig nanaman niya ang tatawa-tawa ni Blue sa may gilid niya pero hindi niya iyon pinansin. Tinaasan lang siya ng kilay ni Red Snake at saka pinagpatuloy muli ang pagpipindot sa cellphone niya. Magsasalita pa sana siya pero biglang pumasok si Black Cat at dinaanan lang ang couch kung nasaan sila ngayon. Hindi man lang lumingon sa kanila ang pinuno at pinagpatuloy lang ang paglalakad patungong opisina niya ata. Tiningnan niya si Blue ng isang patanong na mukha at umiling sa kanya ang binata.

Anong nangyari sa ‘yo Black Cat? Bigla ka nalang lumamig?

****

“Uno, mag-ingat ka, baka makasira ka sa mga kagamitan diyan..”

Pinaikot ni Uno ang kanyang mata, kanina pa siyang binibinilan ni Eli, na huwag na niyang gawin ang bagay na ito. But, knowing Uno, her head is hard as dead stone. Inayos niya ang kanyang scope adjustment at saka tinutok ang kanyang Sniper rifle, nasa may katapat siya ng building kung nasaan ang target niya ay ang HQ ng Negative Cinco. Dahil, hindi siya nakaganti sa paggagawa ni Young G sa kanila, mag-isa siya ngayong lumusob sa teritoryo ng kalaban. “Nasaan na ba ang pesteng Young G na yan?” irita niyang tanong mula sa kabilang linya.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon