Chapter 13 - Three Months Later

1.5K 39 29
                                    

3rd Person’s POV

“Tsk!” ibinaba ni Violet Snake ang hawak niyang hand gun at umupo muna sa may gilid. Nasa training room sila ngayon, at lahat ay abala sa pag-hahanda para sa nalalapit na unang round sa laro.

“Bakit ka nag-eensanyo ng shooting? Diba ang first round ay walang gamitan ng deadly weapons?”

Bored niyang nilingon si Pink Snake, na papalapit lang din sa gawi niya. May hawak itong dumbbells sa magkabilang kamay. Naka-suot ng racer back na sando at tight shorts pero naka-half mask parin yung tanging mata lamang ang makikita mo sa kanila, actually lahat sila ay naka-maskara sa tuwing magtitipon tipon sila sa DSG mansion. “Hindi ako bihasa dyan e.” pagdadahilan ni Violet kay Pink.

Ngumisi lang si Pink Snake sa sagot ni Violet, binaling niya ang tingin kay Brown Lion na abala rin ngayon sa paghahanda. Nasa may punching bag ito ngayon at bawat suntok niya ay babakat talaga ang muscles nito. At yung mga pawis na tatagak sa kanyang katawan ay tila nasa photoshoot lang ito kung makahulog. Parang scripted pero hindi pala.

“You’re drooling..”

Napangiwi naman si Pink ng magsalita si White Lion, kasalukuyan siyang nag-cu’curl ups sa di kalayuan ng gawi ng dalawang dalaga. Tumayo muna si White Lion at ngiting aso ito ngayon na papalapit kay Pink Snake. “Pake mo ba?” mataray na sabi ni Pink Snake habang nakahangad na nakatayong White Lion.

“Uhm, I guess you two need some privacy..” nakita kasi niyang parang magbabangayan nanaman ang dalawa. Tumayo na siya pero pinigilan siya sa magkabilang kamay niya nila White at Pink.

“’Wag kang umalis!” magkasabay pa nilang sabi habang hawak nila ang kamay ni Violet. Nag-roll eyes ngayon si Violet kay White pero si White ay tinaasan siya ng kilay.

“O? Magtitigan lang ba kayo dyan?” kanina pa kasing nagsusukatan ng titig ang dalawa, puro walang balak magpatalo sa pakikipagtitigan. Nabalik naman sa wisyo ang dalawa at puro nag-iwas ng tingin. Ngumisi si Violet dahil kahit naka-maskara sila kitang kita niya sa mata nilang dalawa ang kanyang conclusion.

“Fine! Pwede ka ng umalis..” magkasabay muli silang dalawa ng sinabi. “Gaya-gaya ka a?” muli nilang hirit dalawa nang dahilan matawa si Violet sa dalawa.

Hinawi niya ang kanyang kamay sa dalawa. “You’re action is provoking, yet you use your words as your shield..” binigyan niya ng makahulugang ngiti ang dalawa saka niya ito iniwan na naguguluhan. Kinindatan niya si Brown Lion ng makita niyang ngumisi siya dito sa kanya. Umalis na siya muna ng training room dahil nakaramdam siya ng uhaw sa kanyang lalamunan. Pero bago pa siya liliko patungong daan ng kusina, nakita niya si Yellow Snake na nakatingin sa pintuan pero walang emosyon ang mata na kanyang pinakita.

“Weird..” bulong niya sa kanyang isipan at tuluyan ng pumunta ng kusina.

“Where is Yellow Snake?” bungad ni Black Cat na kadadating lamang niya sa DSG mansion. Agad dumiretso ang lahat sa meeting room nila dahil may pag-uusapan daw sila. 

“I saw her, smoking at the garage..” sagot naman ni Red Snake, crossing her legs and staring at Black Cat intently.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now