Chapter 12 - Fire Fox Gang

1.4K 35 11
                                    

3rd Person’s POV

“My boo, dito ka lang ba matutulog?” biglang tanong ni Dwane na may halong paglalambing. Para siyang bata ngayon sa kanyang pananalita, animoy nagtatanong sa ina kung uuwi ba ang kanyang tatay.

Para namang napantig ang dalawang tainga ni Scarlet sa kanyang narinig. Oras, speaking of that, anong oras na nga ba? “Anong oras na pala? Ang bilin kasi ni Mommy, uuwi raw ako dahil maagang babalik si Dad bukas.” Kinuha ni Scarlet ang kanyang cellphone, nanlaki naman ang kanyang mga mata dahil 12am na pala ng umaga.

“A, ganun ba.” Dismayadong tugon naman ni Dwane at tumango ng mahina, kinuha niya ang susi ng kanyang kotse at kumuha ng t-shirt sa kanyang cabinet. Sinuot niya ito atsaka humarap muli kay Scarlet, “tara na boo, hatid na kita.” Aya niya sa dalaga at giniya itong tumayo na.

Napalunok naman ng wala sa oras si Scarlet sa kanyang nakita. Ultimong pagsuot ng damit ni Dwane ay babakat ang kanyang muscles. Hindi naman sa pinagnanasahan niya ang kanyang sariling bestfriend pero babae pa rin siya, nahuhumaling parin sa abs at muscles. *drools*

“Ha? Hindi, ayos lang ako. Dito ka nalang, may sinat ka pa.” tumayo na si Scarlet at nilagay ang kanyang cellphone sa likod ng bulsa niya. “Matulog ka na boo, good night.” Binigyan pa niya ito ng assurance smile para hindi na ito mag-alala sa kanya. Bumuntong hininga nalang si Dwane at saka nilapag nalang muli ang susi sa side table.

“Ingat ka, text me okay? And don’t forget to lock the door, and my boo kapag nakauwi ka na sa inyo, matulog na kana agad ha?” nag-aalalang tono ni Dwane noong nasa may pintuan na si Scarlet.

“Opo, itay. Tsk, ang daming bilin.”

Napakamot naman sa ulo si Dwane, hahakbang pa sana si Scarlet ng magsalita muli siya. “I love you, my boo.. I-ingat ka sa d-daan.” Pahabol pa niyang sabi, namula naman ang kanyang mukha at salamat nagawa na niyang masabi ang katagang ‘Iloveyou’ kahit alam niyang walang malisya lamang kay Scarlet iyon. Pero atleast, nasabi na rin niya.

Ngiting lumapit si Scarlet sa kanya at hinawi ang magulong buhok nito. “Ikaw, matulog ka na okay? Maayos lang ako my boo, pareho lang kayo ni Mommy e, ginagawa ninyo akong bata. Don’t worry, bukas buo parin ang katawan ko. And I love you too bestfriend.” Tinulak niya ng mahina si Dwane upang mahiga na ito sa kama. Kinumutan niya ito at muling ngumiti, nakatitig lang sa kanya si Dwane sa kanyang mga mata. Wala siyang ni isang salita na mailabas dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Takte! Ayan nanaman ang dila niya, umuurong nanaman kung ngingiti ng matamis ang kanyang mahal.

Hinatid nalang niya ito ng tingin at pumikit na lamang.

Sakay muli ni Scarlet ang kanyang motorbike. Maluwag ang daan, kaya malaya siyang makakapagtakbo ng mabilis. May iilan pang tambay sa kalsada at maingay na nag-iinuman, mga taong grasa na nasa gilid ng kalsada na natutulog. Mga 24 hours na convenience store at bakery shops na bukas pa din.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now