Chapter 27 - Two Great Rivals

1K 27 15
                                    

3rd Person’s POV

Katahimikan ang namayani sa kanila. Ni isa man sa kanila ay walang nagmatapang ang magsalita. Hindi inasahan ni Scarlet na may higit pa palang nararamdaman si Dwane para sa kanya. Stupid, bakit hindi niya napansin iyon? Talaga bang focus lang siya palagi kay Zander, at hindi niya napansin ang bawat galaw ni Dwane?

Pumikit siya at tila inaalala ang lahat. Hindi, isa lamang itong guni-guni, tama iyon nga dapat. Hindi maaring, totoo ang pag-aamin ni Dwane sa kanya. Paulit-ulit lamang nagsasalita sa isipan ang sinasabi ni Dwane sa kanya, tila isa na itong sirang plaka sa kakatugtog nito ngayon. Takte! Ayaw na talaga humito! Dumilat si Scarlet, atsaka bumuntong hininga. Napatingin siya sa mata ng binata, nawala na iyong malamig na titig at napalitan na ng pag-asa at kasagutan. Lumunok siya ng laway atsaka nagsalita.

“Alam ko, dahil mag-bestfriends tayo diba?”

Sige lang Scarlet, panindigan mo na talaga ang pagiging manhid mo. Nakalaan na ang kanyang puso sa isang tao, at ayaw niyang mahati pa iyon. Mahal niya si Dwane pero sa paraang magkaibigan lamang, iyong walang halong malisya. Ayaw lang niya paasahin ang binata, at alam na niya iyon ng bakit. Pero, bakit pakiramdam niya ang sakit gawin ang bagay na iyon? Iyong tipong sasabihin mo na hindi mo siya mahal dahil isang matalik na kaibigan lamang ang turing niya. Siya pa naman iyong taong hindi nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin.

Naramdaman nalang ni Scarlet na dumampi ang labi ni Dwane sa labi niya. Nabigla siya sa ginawa ng binata, sinubukan niyang kumawala pero bigo siya ng gawin niya iyon. Mas lalo lang hinigpitan ni Dwane ang kapit nito sa kanyang braso. Napapikit si Scarlet at marahang yumuko. Ramdam niya ang pagtulo ng bawat luha niya sa kanyang pisnge. Maging ang mainit na luha na iyon ay nakikisabay sa kanyang nararamdaman.

“D-dwane, please. Huwag..”

Pinunasan ni Dwane ang kanyang luha gamit ang hinlalaki nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng binata at saka bumuntong hininga. “N-nagmamakaawa ako sa ‘yo, Scarlet..” kasabay iyon ay ang pagtulo din ng luha ni Dwane mula sa kanyang mata. Wala siyang pakialam kung magiging tanga siya ngayon sa harap ng mahal niya, wala siyang pakialam kung martyr na siya sa harapan ng kanyang mahal, ang pakialam lang niya ay dinggin siya nito at pagbigyan ang kanyang pakiusap.

Napakagat labi si Scarlet sa pagmamakaawa ni Dwane sa kanya. Lalo na’t nakita niya itong umiyak na rin, para na rin siyang tinusukan ng dulo ng katana sa kanyang dibdib. Napapikit muli siya, bakit sa kabila ng kanyang konsensya ay gusto rin niyang tanggapin ang alok ni Dwane dahil sa naawa siya nito?

Muling dumampi ang mga labi nilang dalawa. Sinalo ni Scarlet ang ilalim na labi ni Dwane at nilasahan iyon. Sa kanilang pagdampi, lungkot ang bumalot sa katawan nilang dalawa. Ramdam ni Scarlet ang pagmamakaawa at sakit nito. Ang mga halik na iyon ay agresibo pero dahan-dahan, uhaw na matakaw. Sinasabayan niya ang bawat galaw ni Dwane, hanggang sa pumasok ang dila ng binata at tinanggap naman niya iyon. Naglaro ang mga dila nila sa loob at nalasahan niya ang matamis nitong laway. Napalunok siya, tama ba ang kanyang ginagawa? Nagpahalik din siya kay Zander, pero heto siya nagpahalik din siya kay Dwane. God, Scarlet! Anong nangyari sa ‘yo?

Kasabay sa pagsabay niya kay Dwane sa bawat galaw nito ay siya ring pagpatak ng luha niya sa lupa.  

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now