End of Book 1

1.3K 20 0
                                    

Two weeks later..

“I told you, the handle of the gun should be pointing like this!” nakasigaw na suway ni Scarlet kay Agnes. Nasa may shooting room sila ngayon at kasalukuyang nag-eensayo ng gun shooting.

“Sorry Uno.” Mahinang pagpaumanhin ni Agnes sa kanya. Sa halip na tanguan siya ni Uno ay sinamaan siya nito ng titig, napayuko na lamang siya.

“Next time, do your work better! Malapit na ang finals tapos paghawak lang ng baril hindi mo alam? God!” sigaw muli ni Uno sa kanya, napalingon ang iba nilang kasamahan dahil kanina pa itong nakasigaw sa kanila. Maliit na pagkakamali ay sinisigawan na sila ng kanilang pinuno.

“Yes Uno.”

“Now, get back to your practice!” tumingin siya sa iba, sa halip na magpractice ito, nagawa pang makiusisa sa kanila ni Agnes. Sinamaan niya ng tingin ang apat nilang kasamahan kaya naman agad nila binalik ang kanilang sarili sa pag-eensayo sa pag gamit ng baril. “Kayo! Di porket pinapagalitan ko si Agnes ay pwede na kayong tumigil sa ginagawa ninyo! Babalik ako dito mamaya dapat marunong na kayong mag-assemble ng baril within 30 seconds!”

Sinundan ng tingin ni Candice si Uno na patungo ngayon sa pintuan upang lumabas. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa dalaga maging sa paglabas nito ay nakatingin pa rin siya sa may pintuan.

“Hoy!”

“Ay kabayo!” bulalas ni Candice, napahawak siya sa kanyang dibdib habang ang isang kamay nito ay may hinahawakan na baril. Tinawanan lamang siya ni Ree sa kanyang reaksyon.

“Grabe ka, nagulat talaga ako.”

Iniling habang tumatawa pa rin si Ree sa kanya. “Kasi naman, nagmumukha kang tibo kanina, sundan ba naman ng tingin si Uno sa katawan pa.”

Binitawan ni Candice ang kanyang hawak na baril, ang iba pa niyang kasama ay abala sa pag-eensayo sa pag-aasemble ng baril, si Agnes naman ay panay ng reklamo dahil hindi niya parin makuha ang saktong porma nito. “May napansin lang akong kakaiba sa kanya.” Bulong niya kay Ree, magkatapat lamang sila sa isang mesa na gawa sa aluminum.

Kumunot ang noo ni Ree sa kanyang nalaman, napaisip din siya roon. “Tama, tapos yung pagsisigaw niya sa atin kanina, parang may kakaiba e, hindi naman siya ganyan sa atin noon.” Komento rin ni Ree kay Uno, hininaan lamang niya ang kanyang sasabihin baka may makarinig sa kanila.

“Sinabi mo pa, kung hindi ko lang talaga kilala si Uno, masasabi ko talagang naglilihi siya. Naku, daig pa ang buntis e!”

“Ha? Sinong buntis?” intriga ni Alex sa kanilang usapan, lumapit siya ng bahagya sa dalawa at makiusisa. Napatigil din si Agnes sa kanyang ginagawa.

“Buntis? Wala noh, sinabi ko bang meron?” pagdedepensa ni Candice sa kanyang sarili, tumingin siya kay Ree upang ipahiwatig na tulungan siya dito.

“Si Uno? Buntis? Impossible naman yun!” pagsisingit ni Agnes sa usapan, nilapag niya ang pistol na hawak niya sa mesa at tumingin sa apat.

“Sinabi ba naming buntis si Uno hah? Hindi naman a!” utas ni Ree, tumango naman si Candice dito.

“O? Akala ko lang naman kasi” pagdedepensa ni Agnes sa kanyang sarili, tumingin siya kay Alex at nagkibit balikat lamang ito sa kanya.

Tumingin muna sa nakaawang na pintuan si Candice at muling binalik ang tingin sa tatlo, “Pansin niyo ba medyo tumaba si Uno?” halos pabulong na niyang tatlo na tanging sila lamang ang makakarinig.

Nanlaki at napasinghap ang tatlo sa kanilang nalaman. Si Ree ay napahawak sa kanyang bibig, “OMG! Baka naman umepekto na ang katabaan sa katawan niya!” singhap muli nito.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now