Chapter 36 - I fuckin' love you! Damn much!

1K 24 6
                                    

Dear Bros,

So we’re off to end, 20 chapters I guess. Gusto ko lang po tanungin ang opinion ninyo kung gusto niyo ba ng part 2 or book series. Note, magkaiba po ang book 2/sequel/part 2/ season 2 kesa sa Book Series. At kung hindi pa kayo mauumay, bibigyan ko rin ng Side Story sina Zap at Zach. Yup, may plot na akong nasulat sa notebook ko, pero hindi ko muna ilalabas :P

So yeah, bros comment nalang kayo kung ano ang gusto ninyo kung matapos ko na ang GP. A book 2 or a Book Series?

But before that, here’s the update. Have fun, dudes! Xoxo ;)))

****

3rd Person’s POV

 

A week later..

 

“Scarlet,”

Ngiting lumingon si Scarlet sa tumawag sa kanya. Kakapasok pa lamang niya sa University, at salamat naman ay hindi siya late ngayon. Normal lang ang araw na ito, pero hindi pa rin mawawala sa kanyang isipan ang huling pag-uusap nila ni Eli.

Dito raw nag-aaral si Black Cat.

“Hmm.” Sagot niya, habang napakapit sa strap ng kanyang shoulder bag, hanggang bewang ang strap nito, kaya nagmumukha siyang sling bag.

“Ano k-kasi, may assignment ka na ba?” napakamot sa ulo yung lalaking nakasalubong niya ngayon sa hallway.

Naguguluhang tumingin si Scarlet sa kanya. Namumula kasi mukha nito at panay ng lipat ang kanyang paningin sa ibang direksyon, kaklase niya ito sa lahat ng majors niya, at bihira lang din ito makipag-usap sa kanya. Maging ang mga iba niyang kaklase, bihira lang makipag-usap sa kanya. Una, ayaw ni Scarlet makipaghalubilo lalo na’t magulo ang utak niya. Pangalawa, takot sila kay Scarlet dahil na rin sa pagiging gangster niya. Pangatlo, hindi interesado si Scarlet sa kanila.

“Wala, bakit? Mayroon ba?” nakataas kilay niyang tanong. Tumango lamang ang lalaki, naging dahilan upang mapasinghap si Scarlet ngayon. “Ano? Mayroon talaga? Sige, gagawa muna ako. Saang subject ba natin? Business 404, Business 402, Management 422?” dire-diretso niyang tanong.

“K-kung gusto mo, pahihiramin nalang kita s-sa notes ko. May mga answers na r-rin ako..” pag-aalok ng lalaki sa kanya, nakayuko na ito ngayon at hindi magawang lingunin man lang si Scarlet.

Natigilan si Scarlet at nag-iisip, ni minsan, wala siyang naging close sa major class niya dahil para sa kanya, sapat na ang TBC, si Zander at si Dwane upang magkaroon pa siya ng maraming kaibigan. Naalala niya ang usapan nina Eli noong isang linggo na nadirito lang daw si Black Cat. Agad siyang pumunta sa likuran nito at kinapa-kapa ang bulsa. Napasinghap ng mahina ang lalaki dahil hindi niya inasahan na hipuin siya ni Scarlet, animoy may nakuha siyang bagay ngayon na ikinagagalit ng lahat.

 

Wala naman akong nakikitang panyo ng DSG, at bakit naman ito bigla nalang nag-aalok ng magpakopya? Pag-aanalisa ni Scarlet sa kanyang isipan.

“A-anong ginagawa mo?” kinakabahang tanong ng lalaki sa kanya.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now