Chapter 32 - Round 2 (Part 3)

907 24 2
                                    

3rd Person’s POV

“Tss! Ang yabang talaga!”

“Yeah right, hindi ko gusto ang inasal ni Zander! Ang yabang lang.”

“Pinahaba mo lang ang sinasabi ko!”

“Ah? Talaga?”

Ang kanyang dalawang tainga ay nakikinig sa usapan, pero ang isipan niya nasa isang tao lang naka-focus. Bakit guilty ang nakikita ko sa mga mata niya? Noong hindi pa siya naka-alis, pababa ng stage, lumingon muna siya sa akin, at tanging nababasa ko sa mata niya ay guilty at lungkot. Naging palaisipan ni Scarlet ang kanina, bago pa man naka-alis si Zander matapos ang kanyang laban kay Heat. Kanina pa niya iniisip kung bakit, at kung may kasalanan bang nagawa ang binata, na mahirap sabihin sa kanya.

Gaga ka Scarlet! Baka nakalimutan mo na ang namamagitan sa inyong dalawa ngayon? Napahawak si Scarlet sa kanyang noo at napayuko. Tama, bakit nakalimutan niya iyon? Bakit nawala sa kanyang isipan na sa bandang huli ay sila-sila pa rin ang magkikita-kita sa round 3. Sa bandang huli, sila pa rin ang mag-aagawan sa nag-iisang premyo. Sa bandang huli, may matatalo at may mananalo.

Titulo o pag-ibig?

Mahirap, mahirap mamili, lalo na kung ang pinag-uusapan dito ay ang pag-ibig. Pakiramdam mo nasa may sanga ka ng puno at malapit na itong bibitaw, pero may nakita kang isang sanga, hindi siya malaki at alam mong hindi rin siya ganoon katibay, pero wala kang ibang paraan dahil kung hindi ka kakapit sa sanga na iyon, mahuhulog ka kasabay ng sanga na kinakapitan mo.

Ano ang dapat mong gawin? Magpapahulog ka nalang ba kasama ng sanga na kinakapitan mo, o lilipat ka doon sa sanga na kung lilipat ka doon ligtas ka, pero mababali din naman iyon dahil doon ka sa kanya kumapit.

Importante sa kanya ang maipanalo ang larong ito dahil may mga katanungan siyang, sigurado na dito lang niya makikita rin. At alam niyang importante rin kay Zander ang posisyon na ito dahil sa kanyang kapatid, na hindi man lang nila nakita sa matagal na panahon.

Oo, alam niya kung ano ang pakay ni Zander at kung bakit siya desperado maipanalo ang laro na ito. Aksidente lamang niya iyon nalaman at sa mga panahon na iyon, bigla siyang nakaramdam ng awa sa binata. Hindi niya akalain na may ganitong side pala ang mainiting ulo na si Zander. Kung sakali mang manalo si Zander dito, maari niyang ipatawag ang lahat ng membro ng GP at hihingi ng tulong upang mas madali mahanap ang kanyang kapatid.

Mayroong ibedensya noon si Zander, pero naroon iyon sa kanyang ama, ang balita niya, ninakaw daw ang ebidensya na iyon, kaya ang Tres Malditos ang kumikilos na ngayon, na hindi alam ng kanilang ama. Nalaman din ni Scarlet na hindi raw binanggit ng ama nina Zander ang tungkol sa kanilang kapatid, at maging sina Zander ay wala silang ideya kung bakit nilihim ito. Nalaman niya ngayon na ninakaw daw ng malaking grupo ng sindikato ang natatanging detalye kung saan ang masasagot, kung sino ang kapatid nito. Hindi kaya ang lakas ni Zander ang kalabanin ang mga iyon dahil hindi basta-basta ang sindikato ang kumuha sa mga ebidensya. May kaakibat kasi na assassin ang sindikato na iyon, kaya hanggat maari, kailangan ni Zander ng malaking grupo. Kaya, ganito nalang kadesperado si Zander na maipanalo ang laro na ito.

Iyon din ang dahilan ni Scarlet kung bakit siya pumasok sa loob ng GP main house, maliban sa paghahanap ng ebidensya sa kuya niya. Kahit papaano, gusto rin niyang makatulong kay Zander kahit sa maliit na paraan. Kahit sa ganitong paraan, ay makatulong man lang siya kay Zander.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now