Chapter 9 - 1 Inch Closer to You

1.5K 39 22
                                    

-3rd Person’s Pov

“Not so fast, Dude. Parang hindi mo ako bestfriend niyan a? Kaiyak ka naman.” Nakangising saad ng lalaki nang makaiwas siya sa tama ni Zander. Lumapit pa siya ng bahagya sa binata, binaba niya ang dalawang nakatutok na baril na hawak nina Zap at Zach, bago pa niya nilampasan ang dalawa ay nag-iwan muna siya ng isang pilyo na ngisi.

“Fuck You!” galit na saad ni Zach habang nagtatagis ang mga bagang.

“Later.” Pilyong sagot naman ng lalaki at sinamahan pa ng kindat. Lumakad na siya patungo kay Zander na bagkus sa mga mata nito ang galit.

“Wala bang beso-beso muna sa akin, bestfriend? Grabe ka, sinalubong mo talaga ako ng baril.”

“Hayup ka! May gana ka pang magpakita sa akin Fox!” galit na saad ni Zander napakuyom naman ang isa niyang kamao habang nakatingin kay Fox na pangiti-ngiti lamang.

“Oo, hayup nga ako. Ako nga si Fox diba? Matanong nga kita, anong una mong impresyon ng makita mo ako ngayon? Happy? Sad? Lonely? Lovely? Pretty? Exc---“

Hindi natapos ang litanya ni Fox dahil inambagan na ni Zander ng suntok mula sa jawline nito. Lulusob din sana si Zap ng harangan siya ni Zach. Binigyan niya ito ng isang hindi makapaniwalang tingin kaya naman umiling lang si Zach dito. “Hayaan mo muna sila.” Mahinang sabi ni Zach at binagsak naman ni Zap ang kamay na nakaharang sa kanya. Bago pa siya lumingon kina Zander binigyan muna ni Zap si Zach ng isang mapabantang tingin.

“Siguro naman natauhan ka na Fox!” nagtatagis na bagang na sabi ni Zander.

Pinahid muna ni Fox ang dugo ‘di malapit sa kanyang labi at ngumisi muli ito. “Hanggang ngayon pa rin pala, siya pa rin ang iniisip mo? Mahal mo pa pala ‘yon? ‘Wag ka na dun sa kanya bestfriend, hindi masarap sa kama e.”

Sinugod muli ni Zander si Fox at muling sinuntok sa kabilang jawline. Nawalan ng balanse si Fox, hindi pa siya nakaporma ng maayos ay sinuntok muli siya ni Zander sa may tiyanan. Sa ika-pangatlong suntok ay nasalo na ni Fox ngayon ang kamao nito. Dinugsong niya ang ibabaw ng siko ni Zander ng dahilan upang mapahiyaw sa sakit ang binata ngayon. Hinawakan pa ni Fox ang kanang braso ni Zander at hinila papunta sa likod. Sinipa niya ang likod ng tuhod nito kaya naman nawalan ng balanse ngayon si Zander. Kinasa ni Zach ang baril niya pati na rin si Zap pero mabilis ding sumugod ang kasamahan ni Fox nabaling dito ang kanilang atensyon. “Zap, ‘wag ka munang magtulog-tulogan dyan. Kailangan natin ‘tong tapusin.” Sinamaan lamang siya ng tingin ni Zap at humarap muli sa kalaban. Pinalibutan silang dalawa ngayon ng mga kalaban na may kanya-kanyang hawak ng armas, unang sumugod ang lalaking may hawak na patalim kay Zach, sasaksakin na sana siya nang sipain ni Zach ang ari ng lalaki, siniko pa niya ang isa pang lumapit sa kanya, kaya naman nabitawan ng kalaban ang hawak niyang baseball bat. Agad niyang kinuha ang baseball bat. Hinampas niya ito sa lalaking may hawak kanina, muli niyang binalikan ang lalaking may hawak na patalim at mabilis niyang pinalo ang kamay nito nang dahilan matilapon ang patalim na hawak nito.

Kakalabitin na sana ng lalaki ang gatilyo ng baril niya ng sinipa ni Zap ang baril paitaas, bahagya siyang tumalon at mabilis niyang nasalo ang baril ngayon. Hinampas niya sa ulo ng buong pwersa, gamit ang hawakan ng baril ang kalaban kaya naman natumba nalang ito ng walang malay. May humampas sa kanya mula sa likod kaya naman ay nasubsub ang kanyang katawan sa lupa. May lumapit sa kanya mula sa uluhan, hinawakan niya ang isa nito at hinila. Nauntog naman ang ulo ng kalaban sa lupa, duguan ang ulo ng kalaban ngayon dahil eksatong nasa bato tumama ang ulo nito. Tumayo na si Zap at hinarap ang humampas sa likod niya kanina. Bahagya pang napa-atras ang kalaban dahil sa nakakatakot na tingin ni Zap. Galit na galit na ito ngayon na para bang anumang oras ay papatayin na siya nito. “Tsk, epal.” Matipid niyang sabi at sinipa ito paitaas, sabay agaw ng baseball bat na hawak nanaman ng kalaban ngayon. Gamit ang dulo ng baseball bat, tinusok niya ito sa mukha ng kalaban ng buong pwersa at hinampas muli sa katawan.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now