Chapter 58 - Goodbye my Scarlet, my Bam-bam (Part 2)

1K 21 0
                                    

Tahimik lamang naglalakad ang magkasintahan patungo sa mini forest ng mga Briones. Matapos billinan ni Scarlet ang katulong nila na dalhan sila ng makakain ay agad naman sila tumungo sa nasabing lugar.

Magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad. Malapad ang kanilang lupain, hindi na nagtaka si Zander kung paano nakamit ang mga ito ni Mr. Briones. That man worked hard, he is sure of that.

“This place is huge, quiet good.” Komento ng binata. Lumilinga siya sa paligid habang sinasabi niya iyon. Ipinikit niya ang kanyang mata at marahang nilanghap ang masarap na hangin. Sa loob ng maraming taon, ngayon lamang siya nakaranas ng maganda at banayad sa kalooban.

Maganda pala sa kalooban, nakakagaan.

“Oo.” Nakangiting sagot ni Scarlet, tumigil muna sila sa paglalakad at hinarap ang binata. Her heart melts when she saw Zander closing his eyes peacefully. “Dito ako namamalagi kapag wala na akong mapupuntahan na tahimik na lugar. Kay daddy itong ideya.”

Napakuyom ng kamao si Zander banggitin ng dalaga ang ama nito. Naalala niya ang lahat ng pinag-usapan nila sa conference quarter noong nakaraang araw. Hindi niya akalain na ganito pala kasama ang ama ni Scarlet, kaya pala ganito nalang ang inasal ng babae, pati na rin ang nangyari kanina.

May kung anong tuwa siyang naramdaman ng nakita niya mismo sa kanyang dalawang mata na pinagtanggol siya ng dalaga sa ina nito. Ngunit, nalungkot din siya dahil ito na ata ang huling pagkakakasama nila. He can barely think what might happen next. Natatakot siya sa magiging resulta mamaya, ang paglayo kay Scarlet ay hindi niya makakaya. Iniisip pa lamang niya ay kumikirot na ang kanyang damdamin.

Fuck this life!

“May problema ba?”

Dumilat si Zander at ngumiti habang mahinang iniling ang ulo. “Wala, saan ka nagtatago dito? Alam kong may paborito kang lugar dito.” He grinned, trying to hide his uneasiness.

Scarlet smirk then grasp the hand of Zander, intertwined it to hers. “Meron, gusto ko doon tayo tatambay. Mamaya dadating na ang pinahanda ko.”

“Woah!” manghang bulalas ni Zander, nakatingin siya sa buong paligid na kanyang nakita. Medyo hapon na kaya nakikita dito ang paglubog ng araw, luntian ang paligid, maging ang lupain ay nababalutan ng Bermuda grass at may mga puno na nakapalibot doon.

“It’s breathtaking isn’t it?” nakangiting tanong ni Scarlet, nasa tabi siya ng binata at nakatingin din sa araw na lulubog na.

“A therapy Bam, damn I love this place. Ngayon lang ako nakaranas ng nakakagaan sa loob. I wish I could go back here.”

Napalingon si Scarlet sa binata, hindi niya inasahan ang tono ng pananalita nito, malungkot at mukhang namamaalam. Huwag naman sana. “You can go back here, anytime.” She assures him.

Umiling si Zander, nakaharap pa rin siya sa araw na unti-unting dumadampi sa lupa. Nag-aagaw na ngayon ang kulay orange at dilim sa langit. This place is somehow a romantic one, perfect for couples, perfect for them. “Sana nga makabalik pa ako dito. Alam kong ayaw sa akin ng daddy mo.” Mahina nitong tugon sa binata.

Kumunot ang noo ni Scarlet. “Huwag mo na silang intidihin, ako ang bahala sa ‘yo, nagawa mo nga’ng makapunta dito ngayon.” yaya niya muli.

Zander snorts. “Can you promise me one thing?”

Tumango ang dalaga sa kanyang pabor.

“Love me Scarlet, love me whatever happens today. Just trust me on this.” His husky voice gives shiver to Scarlet, she somewhat feel that something bad happen today.

Gangster's Paradise (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें