Chapter 7 - The Council's Game (Part 2)

1.8K 49 23
                                    

“What do you think about the competitors?” prente lamang nakaupo ng dekwatro ang lalaking may benda pa sa kaliwang kamay. Muli siyang nagsindi ng panibagong stick ng sigarilyo at binuga ito.

Lumingon naman ang babaeng masasabi mong nasa mid 50’s na ang gulang niya. Prente lang siyang nanood sa mga kalahok, na kasalukuyan ngayong abala sa pagkukuha ng shuriken. “This is a hard challenge, I think.” Kaswal niyang sagot at napangisi naman ang lalaki sa kanyang sinabi.

“Why do you say so?”

Umiling lang siya at nanood muli sa iba. Napako ang kanyang tingin, doon sa lalaking itim lahat at nakamaskara rin ng kulay itim. Malinis itong kumuha ng tatlong shuriken na hindi man lang magawang makipag-agawan tulad ng ginagawa ng ibang kalahok. The wave itself is waving and the moves are very sensitive, to the point that no one knows. “That would be a secret for now, I know you’re thirsty for freaking ideas, why I am doing this..”

“That’s the point Blue Bird! Ano ba talaga ang pinag-usapan ninyo ni Yellow Cat? Bakit naglihim kayo?”

She made a heavy sigh. For nth time around, she’ll not tell anyone until she is sure to all. Yes, binilin ni Yellow Cat ang lahat sa kanya, bago pa man ito nabawian ng buhay. Binigyan siya ng malaking responsibilidad, na siya namang ikinatatakot niya. “Sorry, but I can’t tell..”

“I really don’t have any idea for this, akala ko ba may nakalaan na kung sino ang magiging tagapagmahala ng GP?”

“He’s not the one!”

Napatayo naman ang lalaking nakasuot rin ng business suit. “What? You’re kidding? Ano ba talaga?” Napahampas naman siya sa mesa na siyang sinusuportahan niya ng lakas ngayon. Tahimik lamang ang ibang kasamahan nila. Lima sila sa loob ng GP councils na nasa opisina ngayon. Sila ang dating kasamahan ni Yellow Cat noong kapanahunan pa nila.

“Bakit mo sinabi sa amin, at sa kanya na siya ang tagapag-mana? Are you playing with us?”

Napantig naman ang kanyang tainga sa kanyang narinig, nilingon niya ngayon si Red Phoenix na nagtatagis ang kanyang bagang. Ganting nakipagtitigan din si Red Phoenix sa kanya, habang ang kasamahan nila ay pinapanood lamang silang dalawa. Parang normal lang sa kanila ang ganitong mga eksena. “Alam niya na hindi siya ang tagapagmana..” kaswal na sagot ni Blue Bird kay Red Phoenix ng dahilan upang mas lalo pa itong magtanong. 

“Kasali ba siya dyan ngayon?” biglang tanong ni Dianna, na siya namang ikinalingon ng lahat.

“Yes.”

“Then explain to us, about the game..” pagsisingit ni Jano sa usapan, nakadekwatro rin ito ng upo na katabi lang din ni Dianna ngayon.

“To make someone believe, you have to break the rules.”  The wisest answer she did. Pinagpatuloy na lamang niya ang panonood sa ring side at iniwang may mapang-awang bibig ang kanyang kasamahan.

****

“Look at Black Cat, I wonder why he helped that bitch!” gigil na sabi ni Red Snake habang napakuyom na rin ang kanyang kamao.

Napangisi naman si Violet Snake sa kanyang nakita. Actually, hindi nila alam kung sino ang pino-protektahan ni Black Cat noong una pa man. Ang alam nila, ay may pinoprotektahan ito na babae. Yun lang ang sinabi ni Black Cat sa kanila, at wala sila ni anumang ideya kung bakit sila sinabihan ng pinuno nila tungkol sa mga ganyang bagay. “Oh, helping an enemy? Looks interesting.” Nakangisi pang sabi ni Violet habang nasa ring side nakatuon ang mga mata.

“Tss..” Red Snake hissed out of irritation. The DSG looked at her giving a defiant look. “What?” she asked in a flat tone.

“Nakakahalata kana a?” pagtutukso ni Orange Snake sabay smirk dito nang dahilan upang maningkit ang mga mata ni Red Snake sa kanyang narinig.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now