Chapter 6 - The Council's Game (Part 1)

1.9K 49 23
                                    

“What the hell is he saying?” bulyaw ni Brown Lion nang marinig nila ang anunsyo mula sa mc. Ibinaling niya ang kanyang tingin doon kay Black Cat na mahinahon lang na nakatingin sa mc.

“May alam ka ba dito Black Cat?” tanong ni Pink Snake sa pinuno na puno ng kuryusidad. Sino nga ba ang hindi? Ang buong akala nila ay i-aanunsyo na ang pagkamatay ni Yellow Cat pero pambihira naman hindi pala!

“Hindi ko rin alam.” Kaswal na sagot ni Black Cat habang nakatingin lamang sa mc. Bahagyang napaatas ang kilay ni Pink Snake at napailing nalang gawa ng pagkabagot.

Nasa sulok sila ngayon ng DCG kung saan sila din ang namamalagi sa pwesto na iyon. Walang masyasdong pumupwesto doon kaya malaya sila makapagsalita hango sa plano nila. Gaya nalang ngayon. Gaya ng nakasanayan, tinutukso nanaman ni White Lion si Pink Snake at ganun parin nagtatalo nanaman ang dalawa. Habang ang iba naman ay prente lang nakaupo sa kanilang upuan. Hinihintay kung ano ang magiging kasunod na sasabihin ng mc .

“Leaders of the gang,” saglit pa napatigil ang mc at nilibot ang kanyang tingin sa buong battle ground. Hanggang sa nahagip ng  kanyang mata si Black Cat, ngumisi naman siya dito na siyang ikinaningkit ni Black Cat.

“Tss, ang daming pasuspense ang matanda na’to, ibaon ko sa kanya ang katana ko eh.” Bulong ni Blue Lion mula sa pagka-inip, totoo naman kanina pang bumabalibol ito sa lahat. Ngingiti tapos may titigan na isang tao at saka lalakad lakad sa entablado.

“Kailangan ninyong pumunta dito sa ring side.” Muling sambit ng mc at kasabay nun ay ang pagtingin ng DSG sa kanilang pinuno.

“Ano ba talaga ‘to?” muling tanong ni Brown Lion gawa ng maraming katanungan sa kanyang isipan. Nakakainis! Ano ba kasing walang kwentang pakulo na’to? Ano ba talaga ang plano ng mga council sa GP? The heck nakakasakit na ng ulo!

“Trust him.” Biglang pagsingit ni Gray Lion sa lahat ng dahilan upang mapalingon ang kasamahan niya sa kanya, pwera nga lang kay Black Cat na tatayo na upang makapunta sa ring side. Minsan lang nagsasalita si Gray Lion pero kung ito na ang magsasabi ay parang wala dito, wala doon ang sagot. Ang hirap i-puzzle up, ang daming paligoy-ligoy.

“Trust? Don’t you think it’s quite speechless now, huh Gray?” sagot naman ni Brown Lion kay Gray Lion.

Nakatingin lang ito ng napakamisteryoso si Gray Lion at saka binaling muli ang tingin doon sa mga leaders na papunta narin sa ring side. Nakaupo siya ng naka-dekwatro at tumikhim ng mahina. “Trust is the frailest word that I can give but the only thing to do.” Dagdag pa ni Gray sa kanila.

Lahat sila ay napanganga nalang sa kanyang sinabi, isa nanamang mala-misteryong mapang-awang bibig ang iniwan ni Gray sa lahat.

“Tumingin kayo sa itaas.” Utos ng mc sa mga gang leaders na ngayon ay nasa ring side na. Agad naman sila napatingin sa itaas na tinuro ng mc at nakita nilang maraming shuriken ang  nakasabit sa isang hanging machine. Walang reaksyon namang nakatingin si Zander sa mga nakasabit na shuriken, napabuga naman siya ng hangin matapos niyang makita ito. “Ano nanamang kalokohan ‘to?” bored niyang bulong sa kawalan at hindi inasahang nabaling ang tingin niya kay Scarlet.

“Ngayon, ang gagawin niyo ay dapat makasalo  o pwede ring makuha ito mula sa kalaban ang  tatlong shuriken upang makapasok ka sa unang laro. Bibigyan ko kayo ng 30 seconds upang magawa niyo iyon. Siguraduhing hawak ninyo ang tatlong shuriken, kung nasa bibig o paa o kahit saan ninyo ilagay ay hindi naming tatanggapin iyon. Dapat hawak mo ang tatlong shuriken sa iyong mga kamay.” Pagpapaliwanag ng mc sa mga kalahok na sila din namang ikatataka.  

“Do you mind if I ask you?”

“Go ahead.” Sagot naman ng mc at nakangiti nanaman ito ng makahulugan. Nasa mid 40’s ang kanyang edad, 5’7 ang taas at nakasuot ito ngayon ng business suit.  

Gangster's Paradise (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें