Chapter 57 - Goodbye my Scarlet, my Bam-bam (Part 1)

806 18 0
                                    

“Nak, okay ka lang?”

Hindi sumagot si Scarlet, bagkus hinayaan lamang niya ang kanyang ina na pumasok sa kanyang kwarto. Nakatalukbong lamang siya sa kanyang comforter, masama pa rin ang pakiramdam niya mula noong sa hotel ni Zander hanggang ngayon.

“Nak, dalawang araw ka na nandito sa kwarto mo, hindi mo rin ginagalaw ang pagkain mo, may masakit ba sa ‘yo? Gusto mo ba na papuntahin natin ang doctor natin dito?”

Her mother’s voice was as sweet as serene. Matapos ang pagtitipon nila doon sa isang restaurant, hindi rin niya pinansin ang kanyang ina. Inaakusa niya ito na kasama rin siya sa pagpapaplano para sa kasal nila ni Dwane.

Rinig ni Scarlet ang pagbuntong hininga nito, napapikit siya ng mariin, hindi man niya aaminin, nasasaktan din siya.

“Just call me if you need something, okay? I’m always available.” Mahinahong paalam ng kanyang ina, ngunit may bahid pa rin na lungkot boses nito.

Nang marinig niya ang ingay ng pagsara sa kanyang pintuan, agad siyang tumayo at pumunta muli ng banyo niya. Napatingin si Scarlet sa kanyang repleksyon sa salamin. Matamlay siya ngayon, iyong buhok niya ay sabog at gulong-gulo. Her lively color of tanned skin, turns to pale. Napahawak si Scarlet sa kanyang magkabilang pisngi, at tahimik na sinuri ang sarili.

Hinawakan ni Scarlet ang kanyang sikmura, bumuhos mula sa kanyang sikmura ang lahat ng laman ng tiyan niya. Hinihingal siya ng mabigat, hindi niya alam kung bakit siya nagkaganito simula noong sumuka siya kasama si Dwane, maging pag-uwi niya sa mansion nila ay lagi na lamang siya naduduwal.

Sunod-sunod din ang pagsakit ng kanyang ulo at pagiging matamlay nito.

Muli siyang yumuko at hinarap ang lababo at isinuka ng maramdaman nanaman niya ang pagduduwal. Matapos nun, inihilamos niya ang kanyang mukha at bumalik muli sa kanyang kama.

Ibinagsak niya ang kanyang likod sa kama at napatingin sa kisame. Iniisip niya ngayon si Zander, matapos siyang iwanan doon sa hotel ay hindi na ito nagparamdam hanggang ngayon. Nakailang texts at tawag na siya sa binata, pero wala itong anumang sagot.

She held a heavy sigh, still wondering how Zander made it to her. Oo, nasaktan siya, pero hanggang ngayon ay parang may gumugulo pa rin sa kanyang isipan na nagtutulak sa kanya na parang may mali kay Zander ngayon.

Alam niya iyon, dahil kitang-kita niya sa mga mata ng binata. Kung masama man ang pananalita ni Zander, pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Animoy, isa lamang itong palabas.

She huffed, out of frustration; she doesn’t know what to do. Part of her wants to see Zander right now, but then the other part of her says let him give some space.

Maybe he needs it.

Napalingon si Scarlet sa kanyang cellphone ng may nagtext ito. Pinaikot niya ang kanyang mata ng makitang GM lang pala ni Ree ang bumungad sa kanya. Wala sa sarili siyang napatingin sa oras mula sa kanyang cellphone, ngumiti siya ng hindi abot sa mata ng makitang 1 pm na pala ng hapon ngayon.

Hindi niya inasahan halos magtatatlong araw na pala siyang ganito. Maging ang pag-ensayo kasama ang mga TBC ay hindi niya naasikaso. Dalawang buwan nalang at magkakaharap nanaman silang tatlo upang sa finals. Dito malalaman ng lahat kung sino ang bagong tatanghalin na ‘Big Gun Supremo’. Her chest flinched into side, when she thought about her and Zander. How on earth she forgot about that? Pareho pala sila na nag-aagawan at nakikipaglaro para sa isang korona.

Makakaya kaya niya? Talunin si Zamder para makuha ang titulo na iyon? She doesn’t need the crown, the power all she needs. Kung sakali mang siya ang mananalo sa labanan na iyon, magagamit niya ang kanyang ranko upang mas mapadali ang paghanap sa pumatay sa kanyang kuya Sean. Na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapagturo kung sino talaga.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now