Chapter 30 - Round 2 (Part 1)

1K 26 1
                                    

3rd Person’s POV

“Hoy! Bakit tayo nandito?” nakasigaw na tanong ni Volkner, dahil naka-maximum volume ang sounds kaya kailangan sumigaw. Tumingin naman siya sa paligid, may disco lights, single round table, at may iba’t ibang klaseng inumin na naka-display sa likod ng bartender.

“Bakit? First time mo dito? Sabi ko na nga ba e. Tsk, tsk.” Iling-iling na sigaw din ni Harold habang naghahanap ng mauupuan.

“Hoy! Hindi a? Anong tingin mo sa akin? Bata? Nagtataka lang ako kung bakit dito agad tayo dumiretso at hindi sa HQ natin?”

“Kasi daw Volkner, may hinahanap daw si Tyler dito—Ah, bakit mo ako binatukan Tyler?” nakangusong gatol ni Rico habang hinihimas ang kanyang ulo. Pinandilatan naman siya ni Tyler, na nagsasabing ‘tumahimik ka nalang, kung ayaw mong malagutan ng hininga.’ Umupo naman sila sa may gilid na pwesto at hinayaan si Griff ang umorder ng inumin.

“O, tol. May hinahanap ka ata?” ngising tanong ni George, habang inakbayan niya si Tyler, na kanina pang lumilinga-linga sa paligid. Kanina pa naglalakbay ang mga mata ng mga lalaki, dahil maraming magagandang hot na babae ngayon sa bar. Tiningnan din niya ang iba pang kasamahan, napailing nalang siya dahil pare-pareho lang sila ng ginagawa ngayon.

Ngingisi tapos tutukan ang isang magandang babae.

“Wala no, ano lang tatlong buwan na kasi akong walang alam mo na. Tsk, ka-bwiset nga e. Kundi lang talaga kasalanan ng dalawang babaeng iyon. Ipagkalat ba naman na may AIDS ako. Pucha! Kahiya tol.” Reklamo ni Tyler na siyang ikinatawa ng mga kasamahan niya.

“Ayan na kasi ang sinasabi ko sa ‘yo e. Huwag ka ng mag-mambabae, alam mo namang masama yun.” Segunda naman ni Rico, nakita niyang sinamaan siya ng tingin ni Tyler kaya naman. “Waaah! Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan Tyler, nagsasabi lang ako ng totoo e.”

“Di nga tol? Sinabi nila iyon? ‘Wag mong sabihing, huli na yung dalawa na bumugbog sa ‘yo?” natatawang tanong ni Harold, nasa katapat lang siya ni Tyler, semi-circle ang sofa na pinili nila at kasya lamang silang pito doon.

Inis namang tumango si Tyler. Dumating na si Griff, dala ang tray na may order nilang tequila na may dalawang shot glass at isang platito ng asin, at may tatlong lemon. “Pucha! Nang dahil sa kanila, lumalayo na yung mga babes ko. Bwiset, di ko akalain na magaling pala sa magkalat ng impormasyon ang dalawa na iyon. Pinagtulungan nila ako. Bwiset!” kinuha niya ang alok ni Griff na tequila at nilagok iyon ng diretso. “Salamat, Griff.”

Nagsalin muli si Griff ng panibago at binigay iyon kay George, pagkatapos nun, hinarap muli niya si Tyler. “Tol, baka naman oras na para magbago ka.” Mahinahon niyang saad kay Tyler. Kinuha naman niya ang shot glass doon kay George at nagsalin muli, inalukan niya si George ng asin at lemon pero umiling lang ang binata sa kanya.

“Oo nga, baka sign na yan Tyler. Aba kung ako sa ‘yo, magsisimula na akong matakot. Baka paggising mo, wala ng babae dito sa mundo.” Segunda naman ni Harold at siya naman ang inalukan ni Griff ng tequila.

“Naku, Tyler. Nasa huli pa naman ang pagsisi. Tsk, tsk.” Segunda naman ni Volkner at kinuha ang lemon at sinimulang kainin iyon. Sinapak naman siya ni Harold ng makitang kinakain niya ang lemon, muntik pa nga niya makain ng buo ang lemon dahil sa ginawa ni Harold sa kanya. “Hoy! Ayokong mamatay dahil lang sa nabulunan ako ng lemon. Mahiya ka nga, Volkner!” singhal niya sa katabi niya, habang si Volkner naman tawa lang ng tawa.

Gangster's Paradise (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon