Chapter 5 - The Unexpected Meet

2K 56 35
                                    

3rd Person’s Pov

“Hoy! Saan pa kayong dalawa nag-susuot ha?” bungad ni Volkner sa dalawa na kakapasok lamang ng HQ nila.

“Teka nga, kailan pa naging lugar ang pagsusuot ha?” pabalik tanong ni Harold kay Volkner. 

Napatigil naman sa paglalakad si Tyler at sinulyapan si Harold na para bang nag-uusap lang gamit ang mata. Ngumisi naman si Tyler pagkatapos siya ngisihan din ni Harold. “Matanong nga kita Volkner, bakla ka ba?” saglit naman napatigil si Tyler sa kanyang sasabihin habang sinusuri ang kaibigan na si Volkner mula ulo hanggang paa, habang ang Volkner naman ay nawiwirduhan na sa inaasal ni Tyler. “Ba’t tinatanong mo kami ni Harold kung saan kami nagsusuot, may balak ka bang mangboso ha?”

Tumawa naman ng  malakas si Harold at ang Volkner ngayon ay namumula nanaman sa kanyang narinig. “Nag-gangster ka pa tol? Para lang ba matakpan ang dignidad mo? Pffft. Laslas na!” natatawang sabi ni Harold sabay pahid nadin sa kanyang luha habang ang Tyler naman ay napahawak na talaga sa tiyan sa kakatatawa.

“Ha? Sinong bading? Ang sa akin lang hindi niyo ako sinama sa lakad. Yun lang!” pagdedepensa ni Volkner sa kanyang sarili.

“Ano pa ang ginagawa niyo dyan?” napatigil naman ang dalawa sa kakatawa nang bigla silang tanungin ni Ice.

“Tumatawa Ice, nasaan na sila bossing?” sagot naman ni Harold nang mahimasmasan na sa kakatawa.

Inayos muna ni Ice ang salamin na nahulog bahagya sa kanyang ilong at nilagay ang magkabilang kamay sa bulsa. “Nasa labas, hinihintay kayong bumaba.” Kaswal na sagot ni Ice at tuluyan na siyang lumabas ng HQ. Ang tatlo naman ay mabilis pa sa magnanakaw kung makakakilos sa kanilang narinig.

Tahimik lamang naglalakad ang Tres Malditos, nasa unahan ngayon sina Zach, Zander at Zap. Ang DCG ay walking distance lamang at kaya nilakad lang nila. Nagtataka sila dahil wala ng katao-tao ang GP kaya nasisigurado nilang nandoon na sa  DCG ang lahat ng gangsters.

“Stop.” Sambit ni Zander at tumigil naman ang grupo sa kakalakad. Tiningnan niya ng mataman ang grupo na naglalakad din patungong DCG.  “Nandyan ang DSG, alam niyo na ang gagawin kung sakali.” Pagpapa-alala ni Zander sa grupo at lumakad muli ang membro niya.

Tumango naman ang kanyang kasamahan at patuloy na muli sa paglalakad na parang wala lang pinag-uusapan kanina.

“Zander.”

Napahinto naman si Zander sa paglalakad at sinuri ang lalaki na tumawag sa kanya, napangisi siya ng makilala niya kung sino ito. “Yes, the one and only.” Pilyong sagot ni Zander doon sa tumawag sa kanya.

“Tss, ang yabang ng boss nila.” Napantig naman ang tenga ni George ng marinig niyang may bumulong sa kabilang panig.

“Hoy! Ikaw na may maskarang itim na akala mo kung saan nagnakaw. Pakiulit nga ng sinabi mo?” nakasigaw na sabi ni George sabay turo doon sa babae na nakamaskara ng itim, actually ang grupo na nakabangga ngayon ni Zander ay puro nakamaskara kaya hindi mo malalaman kung sino sa likod ng maskara na iyon.

“Hindi ko akalaing, magiging  interesante ka sa pagtitipon ngayon.” Muling sambit ng lalaking nakamaskara doon kay Zander na nakatungo lang ang tingin niya.

Ngumisi naman si Zander para bang alam na niya kung ano ang pakay nito. “Bakit Black Cat, bawal na ba ang mga gwapo sa GP?”sagot  ni Zander na may halong pang-aasar. Napakuyom naman ng kamao ngayon si Black Cat at binigyan ito ng matalim na tingin. “O? Galit kana niyan? Hindi mo ba matanggap na gwapo talaga ako kaysa sa’yo?” nagtawanan naman ang kampo ni Zander sa kanilang narinig habang ang Zach at Zap naman ay wala lang ini-obserbahan lang ang nakapaligid sa kanila.

Gangster's Paradise (Book 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin