Chapter 46 - Lies

794 24 0
                                    

“At sinong nagsabi sa inyo na batuhin ang girlfriend ko sa noo?” nangingilaiting tanong ni Zander, nakaupo pa rin siya dahil pinipigilan siya ni Scarlet na tumayo. May mga tao pa ring nagtatakbuhan, maging ang tindera ay umalis sa kanyang pwesto dahil natatakot na rin. Kilala nila ang lumapit kina Zander, kaya mas minabuting umalis na lamang sa lugar na iyon.

Lumapit bahagya yung dambuhalang nasa gitna ng kanyang grupo. Sinipa niya ang monoblock na nakaharang sa daan niya at nilapitan sina Zander at Scarlet doon na nakaupo pa rin. “Bakit? Kailangan pa palang humingi ng pahintulot upang gawin namin ang gusto namin? Hindi mo ba kilala kung sino ang pinagsisigawan mo ha?” nanlaki ang mata niya habang sinisigaw niya iyon sa mukha ni Zander.

“Bam, saglit lang ha? Parang hindi niya ata kilala kung sino ako e.” kalmadong paalam ni Zander sa kanyang nobya, kumunot ang noo niya ng pinigilan nanaman siya ni Scarlet sa kamay. “Fuck, what?” irita niyang tanong sa kanyang katabi.

“Wag mong patulan ang mga dambuhala na laking katawan lang ang pinagmamalaki.” Matabang na saad ni Scarlet. Ngumisi siya ng makita mula sa gilid ng mata niya na sumingkit ang mata ng dambuhala habang nanlaki ang butas nito sa ilong.

“Pero, may sugat ka pa—“

“Anong sabi mo babae ka!”

Tumayo si Scarlet at hinarap ang dambuhala, nakita niya sa likuran ng dambuhala ang mga kasamahan nito na may hawak pa rin ng bato. Nagtagis ang bagang niya ng maanigan ang taong bumato sa kanya. Nagsalita siya pero walang boses na lumabas, ‘Humanda ka sa akin’ pero sa kanyang surpresa, ningisihan lang siya nito.

Mukhang hindi nga sila kilala.

“Anyway tabachoy, sino ka nga ba talaga?” may halong pang-iinis na tono ni Scarlet doon sa harapan niya. Tantiya niya, pinagmumura na rin siya ni Zander sa isipan dahil sa tigas ng ulo niya.

“Ginagalit mo talaga akong babae ka! Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo, kaya manahimik ka!”

Tumalikod si Scarlet at iniling ang ulo, “Oh? Natakot naman ako sa ‘yo.” Sarkistong sagot ni Scarlet. Sabay sipa sa monoblock na nakahiga gamit ang paa niya.

Ngumisi siya ng napadaing ito sa sakit. Humarap muli si Scarlet at mas lalong lumapad ang ngisi niya ng nakahawak na ang dambuhala sa kanyang paa, habang nagmumura dahil sa sakit. Sinipa niya ang isang monoblock ng paitaas at tumama ito ngayon sa mismong mukha ng dambuhala.

Sa nangyari na iyon, sumagod ang pito sa kanya. Tumayo na rin si Zander at tinabihan si Scarlet. “Humanda ka sa akin.” Bulong niya sa nobya at hinanda na ang sarili.

“I love you Bam.” Sarkistong saad ni Scarlet, sabay paikot sa mata niya.

“Tss.”

Sinugod si Scarlet ng dalawang lalaking may naglalakihang t-shirt, yung isa nakapula habang iyong isa ay nakaputi. Hinanda nani Scarlet ang kanyang sarili at iniisip kung sino sa kanilang dalawa ang uunahin niya. Sinipa nung nakapula ang mesa na nakaharang sa kanyang daan, tumalon si Scarlet pakaliwa at naiwasan ang lumilipad na mesa na patungo sana sa kanya. Mas lalong nainis ang nakapula sa ginawa ni Scarlet.

Nakatakbong sumugod ang lalaking nakaputi kay Scarlet habang ang kamao nito ay handa ng lalapat kanya. Umatras si Scarlet na hindi ginalaw ang paa, tanging ang likod lamang niya ang pina-atras niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Sumugod din ang lalaking nakaputi sa kanya at tinulak ang sariling likod na tumayo ng maayos, sinalo niya rin ang isang kamay ng nakapula at hinawakan ito ng mahigpit.

Hawak niya ang dalawang kamay ng kanyang kalaban.

Pareho niyang binaba ang dalawang kamay na hawak niya at tumalon ng bahagya at sabay sinipa sa ari ang dalawa. Napahiyaw sa sakit ang dalawa at nabitawan nila ang batong hawak nila, hindi magawang tumalon sa sakit dahil nakahawak pa rin ang kanilang kamay nila kay Scarlet. Itinaas ni Scarlet ang kamay ng nakaputi at pinaikot iyon, napapikit sa sakit ang lalaki na mas lalong ikinangiti ni Scarlet ngayon. Sinipa niya muli ang nakaputi sa may sikmura ng buong pwersa, at halos sumuka at maluwa na nito ang nasa loob ng sikmura ng nakaputi dahil sa sakit ng sipa ng dalaga sa kanya. Ginawa rin niya ang ginawa sa nakaputi at sinipa rin ito ng buong pwersa, pareho rin siya sa naging reaksyon ng kanyang kasama. Sa kanyang isipan, hindi  niya akalain na ganito kalakas ang babaeng ito, akala niya isa lamang itong ordinaryong babae na manginginig sa takot dahil sa nakita silang darating na.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now