Chapter 54 - Letting go

743 18 4
                                    

“Announcement? Tell me dad, what is it?” kinakabahang tanong ni Scarlet sa kanyang ama. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya, maliban lamang kay Dwane na nakayuko muli sa kanyang kinauupuan.

Nakatingin lamang si Scarlet sa kanyang ama, na puno ng awtoridad kahit na nakaupo lamang ito ngayon pareho sa kanyang silya. Sa isang tingin mo pa lamang niya, nagmumukha siyang hari, maging ang katabi niya na si Mr. Kimura, ama ni Dwane ay nahihigitan niya antas ito. Sa bawat ngiti niya ay doble ang nagiging kahulugan nito, maging ang bawat titig ng kanyang ama ay nagbibigay sa kanya ng kaba at takot.

Napakapit si Scarlet sa kanyang himpitan ng kanyang damit ng makitang marahang kumurba ang pantay na labi ng kanyang ama, habang nakatitig lamang sa kanya ng blanko. Napalunok siya ng mabigat ng wala sa oras, at ramdam niya ang paglalamig ng kanyang katawan.

“We’ll tell the announcement later, let’s eat first.”

Nabalik naman sa katinuan ang tatlo pa nilang kasama sa mesa ng marinig ang buo at puno ng awtoridad na boses nito. Umawang ang bibig ni Scarlet na hindi pa rin tinatanggal ang tingin niya sa kanyang ama, itinikom niya iyon ng mahina siyang siniko ni Dwane sa kanyang tabi. Agad naman siya naalarma doon at inayos ang kanyang sarili.

May dumating na waitress sa kanilang mesa, nakasuot ito ng puti, na may golden yellow nakaguhit sa bawat huli ng uniporme nito. Naka ¾ sleeve ito, at ang porma ng damit ay sakto lamang na nakayakap sa kanyang makurba na katawan. Nakasuot siya ng stockings na puti na tenernohan ng puti ring pencil skirt, naka-doll shoes ito ng puti na kapares lamang sa kanyang uniporme. Pansin ni Scarlet na ang restaurant na ito ay punong-puno ng puti na kulay. Maging sa dingding, chanliers, silya, bilog na mesa, kubyertos, sahig, at pati na rin sa mga staffs dito ay nakaputi rin ng suot.

Nagmumukha itong langit sa itaas at binigyan ng magandang ideya kung ano talaga ang totoong hitsura ng langit.

Mukhang totoo nga na may langit.

“Good evening Mr. and Mrs. Briones, Mr. and Mrs. Chua.” Magalang na bati ng waitress ng dahilan mapalingon sa kanya ang lahat. Nasa eksato lamang ito ng tindig, at ang light nito na make up sa mukha ay parang natural lamang ito. Ngumiti siya ng magalang habang hinihintay ang responde nila.

“A pleasant evening to you too, young lady.” Nakangiting sagot ni Mr. Kimura sa waitress, umungol siya ng mahina ng sikuhin siya ni Amber na nasa tabi lamang niya.

Nagtawanan ng mahina ang lahat, habang si Dwane at Scarlet ay ngumiti ng pilit sa kanila.

“Can I get your order, sir, ma’am?” magalang na tanong ng waitress, nakahanda na rin ang kanyang ballpen at maliit na notebook sa kanyang kamay.

Tumingin ang ama ni Scarlet sa menu na nakatayo lamang sa gitna ng bilog na mesa, maging ang mag-asawang Chua ay ganun din, at ang ina ni Scarlet ay kumuha na rin ng kopya sa menu upang makapili na rin.

Matapos sabihin ang mga orders nila ay umalis naman ang waitress. Muling bumalik ang tawanan ng dalawang mag-ina at maging ang usapan na may kasamang mahinang tawa ng dalawang mag-ama ay bumalik na rin. Lahat ay bumalik na rin sa normal, maliban lamang sa kanilang dalawa ni Dwane na ngayo’y wala pa ring kibuan. Ang usapan pa naman nila ay ibalik ang kanilang turingan dati.

Tumunog ang cellphone ang ni Scarlet mula sa kanyang purse na dala ngayon, naka-volume 1 lamang ito dahil bawal sa kanyang ama ang mga istorbo kapag nagtitipun sila. Ang akala niya noong una ay tanging silang tatlo lamang magkakasama, pero mas nasurpresa siya ng kasama rin pala ang pamilya ni Dwane. At ang ipinagtaka lamang niya ay bakit nauwi ang mga magulang ni Dwane galing sa Japan? Simula lamang ng mga bata pa sila ni Dwane ay hindi lagpas sa dalawang beses sa isang taon ang balik nila dito, minsan pa nga ay hindi ito nakakauwi buong taon dahil nasa Japan talaga ang capital ng pamumuhay nila, at ang pilipinas ay isa lamang sa mga galamay nila.

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now