Chapter 43 - Emotionless

809 21 0
                                    

Tahimik lang naglalakad sina Scarlet at Zander. Nasa HYU pa rin sila, matapos ang kaninang pagtagpo nila ni Dwane, wala ni isa sa kanila ang nagbukas muli sa topic. Naglalakad sila ngayon, pero si Scarlet parang hindi alam kung saan patungo. Sunod lang ng sunod si Zander sa kanya, kahit medyo naiirita na siya sa pinaggagawa ni Scarlet, hindi niya magawa dahil may kasunduan sila ni Dwane. Ang mga bilin ni Dwane sa kanya.

“Anong oras ang susunod mong klase?” naisip lang na maitanong ni Zander, baka sakaling mabaling na muli ang atensyon sa kanya ng dalaga. Kahit panandalian lang, makalimutan niya muna ang kanina.

“1 pm.” Walang ka-emosyong sagot ni Scarlet, habang naglalakad na nakatingin lamang sa kanyang dinadaraanan.

Kinuha ni Zander ang kanyang cellphone, binuksan niya ito at tiningnan ang orasan nito. “11:30 na pala, gusto mo bang kumain muna? 1 pm din naman ang klase ko.” Aya ni Zander.

“Busog ako.” Matabang na sagot ni Scarlet.

“Labas kaya muna tayo.” Aya muli ni Zander

“Kapagod.”

“Ah, ano nalang—“tumigil si Zander, tila nag-iisip muna, “may skirting kami mamaya, nandoon sina Zap at Zach, nagpapractice gusto mo bang manonood sa kanila? Para may ideya ka kung paano gagawin.” Konting-konti nalang at mauubos na talaga ang pasensya ni Zander kay Scarlet. Napahawak na lang siya sa kanyang ilong baka sakaling makontrol niya ang kanyang inis.

“Ikaw nalang Zander, gusto ko lang maupo.” Aniya

“Fuck!” hindi na nakatiis si Zander, ubos na talaga ang mga pasensya na tinipon niya. “Could you stop the drama Scarlet? Hindi ko na talaga alam kung paano ka amuhin, hindi ko ugali ang paghahaba ng pasensya pero kung para naman sa ‘yo, sinusubukan ko! Damn! I thought it’s easy as changing my socks but hell this, its fucki’n hard. Hard as crap!”

Tila natauhan si Scarlet sa mga sigaw ni Zander sa kanya, nilingon niya ito at umawang ang bibig niya ng matalim na ito ngayon nakatingin habang nakakuyom ang dalawang kamao.

“I’m sorry.” Aniya habang nag-iisip ng maganda at tamang sasabihin kay Zander. “Hindi ko lang talaga maisip na lalayo na siya sa akin, hindi ako sanay Zander. Best friend ko si Dwane, pero sinaktan ko siya.” Nagsimula ng mangilid ang luha ni Scarlet, hanggat maaari ay pigilan niya ang pagtulo nito. Ayaw lang niyang mas lalong magalit si Zander sa kanya, mas lalong hindi niya iyon makakaya.

Napahawak sa buhok si Zander, at tumawa ng sarkisto. “Are you telling me that you did the wrong decision? Sinagot mo ako, pero nanghihinayang ka na ngayon? Do you really love me Scarlet?”

Tinakpan ni Scarlet ang bibig niya gamit ang isang kamay. “N-no…” nagsimula na siyang mautal, nakatingin lamang siya sa mga mata ni Zander. “Hindi sa ganun, hindi lang ako sanay na mawala na talaga sa akin si Dwane. Bakit ba kasi, kailangan pang may lumayo para lang maging masaya ang isang tao?”

“Namimili kana ngayon sa amin? Ano ba Scarlet, sabihin mo lang ang gusto mo habang maaga pa, ayokong umasa lang sa wala!” nakasigaw na sabi ni Zander,

Gangster's Paradise (Book 1)Where stories live. Discover now