Chapter 21 - Stalker Dwane

1.2K 27 5
                                    

3rd Person’s POV

Tumayo na si Zander, at saka nilingon si Dwane. Napangisi siya sa nakitang reaksyon nito. Binaling niya muli si Scarlet na hindi na mapakali, nagpakawala siya ng ngiti, sa ‘di malaman na dahilan. Napa-snap siya sa kanyang daliri ng may maalala siya. “Saturday, 9am. Doon pa rin, at huwag mo ng dalhin ang sasakyan mo, and one more thing, don’t wear those stuffs again, or else, gagawin ko sa ‘yo ang banta ko..” lalakad n asana si Zander ng..

“Banta?”

Nilingon niya si Dwane, na halos masigaw na niya ang salitang banta, nakita niyang mas lalo pa itong napakuyom ng kamao, nakita rin niya na mula sa peripheral vision niya na si Scarlet parang nagpapanic na rin. Nakaramdam siya ng kirot mula sa kanyang damdamin. Ano ba ang iniisip ni Scarlet? Nagi-guilty ba siya dahil sa may bawal na siya ngayon? Fuck! Fuck this feeling! “Yes! I don’t want to see her wearing, short shorts again! Damn it!”

“My boo, k-kasi a-ano.. Uhm…”

Fuck! Mas lalo lang siyang nagagalit at napipikon sa inasal ni Scarlet ngayon, bakit siya magpapaliwanag kay Dwane? Boyfriend niya ba siya? Fuck! Mag-bestfriend lang sila! MAG-BESFRIEND LANG!

“Saturday, Scarlet! Maghihintay ako..”

At tuluyan siyang naglakad paalis.

****

“Woaaah! Get up na get up si Bossing a? Saan ang birthday?” bungad ni Harold ng makita na porma na porma si Zander ngayon. Naka-loose white tshirt siya, at naka-loose half pants, at sneakers, samahan pa ang bonnet niyang black.

“A, baka burol mo, ano sasama ka?” sagot niya, habang patuloy nalang sa paglalakad. Napakamot nalang si Harold, sa nagawang pambara ng kanyang bossing.

“Ayos a? Hiphop ang dating, parang noon lang.” puri ni Volkner ng makita rin si Zander, galing siya sa kusina.

“Ngayon ko nalang ulit, nakita ang bossing namin na naka-porma ng ganyan. Special yan no? May napupusuan na ang bossing natin e..” dagdag pa ni Tyler na mas lalo pang ikinagikgik ng dalawa.

“Ituli na yan! Ituli na yan! Ituli na yan!”

“Isa pang trip ha? Puputulan ko na kayo ng nguso!” huminto naman agad ang tatlo at magkasunod na pumunta sa sofa, sinundad nila si Zander ng tingin hanggang sa nasa may pintuan na ito ngayon.

“Pero, bossing, saan nga ba ang lakad? Ang lakas kasi ng pabango mo e, para kang pupunta ng disco. Pft!” si Tyler na mas ikinatawa ng tatlo.

“Takte! Umayos nga kayo, hindi ako pupunta ng kung saan, may mahalagang lakad ako ngayon! Huwag nga kayong magtanong, hindi tayo close! Bwisit!”

“Ooow, PMS agad! Ge, bossing, ingat sa date a?”

“Fuck! Mamaya lang talaga kayo sa akin!” sagot naman ni Zander at nagmamadali na talagang umalis. Rinig pa niya ang halakhakan ng tatlo, wala si Zach sa Tres Malditos na mansion dahil nandoon sila sa mansion nila, ang mga Lee. Si Zap naman, nandoon lang sa kwarto niya natutulog. Hindi pa siya tuluyan nakapunta sa garahe ay nakita niya si Ice na malalim ang iniisip, dito sa ilalim ng punong mangga nila. Nilapitan niya ito at saka tumikhim. Nawala ang malalim na pag-iisip ni Ice at nanlaki ang mata niya na si Zander pala ang kaharap niya. “About the suspect, give me your research, later..”

Gangster's Paradise (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ